^

PSN Opinyon

Sunog

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KUNG kelan naman tapos na ang buwan ng Marso, tsaka naman sunud-sunod ang sunog sa Metro Manila. Malamang ay dahil sa tindi ng init ng panahon. Bukid sa tuyong-tuyo ang lahat ng bagay-bagay na nakabilad sa araw at napa-kadaling masunog, maraming kagamitan ang nag-oovertime ngayon. Mga ref, electric fan, aircon. Kaya hindi malayo masunog ang alin man sa mga kagamitan na iyan, lalo na kung hindi naman de kalidad ang kasangkapan at hindi binabantayan habang ginagamit.

Isang sunog ang tumupok sa higit 600 bahay sa may E. Rodriguez, tapat ng De Los Santos Hospital, kung saan apektado ang higit 2,000 pamilya. Mabilis kumalat ang apoy dahil sa mga magagaan na materyales ng mga bahay doon. Mahirap na komunidad lang iyon kaya ang mga bahay ay karaniwang gawa sa plywood lamang. Sa tindi ng init ng araw, siguradong tuyong-tuyo ang mga kahoy. At dahil sa dami ng naninirahan doon, napakasikip ng daanan, kung kaya hindi na makapasok ang mga bumbero para patayin ang apoy.

Ganito na lang lagi ang problema kapag nagkakasunog sa mga ganyang mahihirap na komunidad. Dahil sa sobrang siksikan, halos wala nang madaanan ang tao, paano pa ang mga bumbero na may mga mabibigat na gamit para sa sunog? Kaya pag nagkakasunog, halos wala na ring magawa ang mga bumbero kundi basain ang mga bahay na nasa bukana ng komunidad. Dito dapat kumikilos ang mga lider o pinuno ng komunidad. Dapat may mga ilang daanan na sapat ang lapad para makadaan ang tao at kagamitan, partikular ang bumbero. Hindi dapat hinaharang ang mga ito, o sakupin ng mga bahay. Palagi rin dapat tinitingnan kung ang lahat ng kagamitan at kuryente ay maayos. Isang diklap lang ang kailangan para gawing impiyerno ang mga ganyang lugar.

Marami pang ganyang klaseng komunidad ang nakakalat sa Metro Manila. Sa tindi ng init ngayon na mukhang hindi pa matatapos, hindi malayo maganap ang sunog. Para sa kapakanan ng lahat ng naninirahan doon, ayusin ang mga daanan, mag-seminar ukol sa pag-iingat sa mga kaga­mitang kuryente at lutuan, pati na mga kandila’t gaserang ginagamit sa gabi. Hindi biro ang sunog, na napakahirap nang apulain kapag lumaki na.

BUKID

DAHIL

DAPAT

DE LOS SANTOS HOSPITAL

DITO

ISANG

KAYA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with