^

PSN Opinyon

'WANTED'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

WALANG puwang sa lipunan ang mga suspek na naha­tulan na sa hukuman sa krimeng kanilang ginagawa, gumagala pa sa kalsada at ipinagpapatuloy ang lagim na kanilang sinimulan.

Mga taong WANTED ang tinutukoy ng BITAG. Nagtatago sa mga alagad ng batas, makaiwas lamang sa malamig na bakal ng kulungan.

Imbes nagbabayad sa batas dahil sa krimeng nagawa, nakikihalubilo at nagpapanggap na ordinaryong mamamayan lamang.

Ang problema, paulit-ulit na ginagawa ang krimeng naumpisahan dahil ang kanilang katuwiran, madali na lamang takasan ang batas.

Karaniwang nagtatago ang mga WANTED sa mga tagong lugar sa probinsiya kung saan hindi sila makikilala ng ibang mamamayan nito.

May ilan na tinatablan ng konsensiya at nagdedesisyong sumuko. Subalit upang matiyak din ang kanilang kaligtasan, lumalapit sa mapagkakatiwalaang ahensiya, kilalang tao at media upang maasistehan.

Ang karamihan, magtatago at magtatago, makatakas lamang. Para sa kaniyang mga nabiktima, pasensiyahan na lamang.

Kung hindi pa magiging aktibo ang kamag-anak ng kanilang biktima na hanapin ang nagtatagong kriminal na ito, magtatagal pa ang pamamalagi nila sa lipunan.

Tinatrabaho ng BITAG ang ganitong klase ng sumbong ng mga biktima o kanilang kamag-anak, hangga’t maaari, NO BAIL o walang piyansa ang hatol sa mga suspek na ito.

Lalo na kung patuloy ang kaniyang pamemerwisyo sa pamayanang kaniyang kinabibilangan sa kasalukuyan.

Subalit, tiyakin lamang na makatotohanan ang sumbong at may ideya na ang biktima kung saan matatagpuan ang pinaghahanap na kriminal.

Kung may nalalaman kayong mga WANTED na nasa inyong kapaligiran, namemerwisyo at nambibiktima pa sa inyong lugar, mapa-Pinoy man ‘yan at ibang lahi, ipaalam lamang sa BITAG.

Tutulong kami sa abot ng aming makakaya, hustisya na rin para sa mga nabiktima.

IMBES

KANILANG

KARANIWANG

LAMANG

NAGTATAGO

PINOY

SUBALIT

TINATRABAHO

TUTULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with