^

PSN Opinyon

Si Romulo L. Neri at ang SSS! (3)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Sabi ng unyon sa SSS for the first time nabalewala ni Neri ang mungkahi ng PSB na dumaan sa masusing proseso at walang ginawang kunsultasyon kaninuman. Sina Dr. Carolina Basilio ACCESS president at Feliciano Baltazar, Business Manager ang gumawa ng sulat.

Sinira ni Neri ang patakaran ng career service sa SSS sa pagbibigay sa kanyang pamangkin na si Antonio Neri Echevarria, Jr. na sa kabila ng kanyang  posisyon na Special Assistant to the President and CEO ay inilagay sa kanyang pamamalakad ang ilang sensitibong departamento sa SSS kasama na dito ang may malaking pondo na Information and Technology Management Group at Personnel and Human Resource Department. 

Si Echevarria na isang co-terminus employee ang nagpatakbo ng Unified Multi purpose Identification System (UMID) at pag-promote sa 9 na matataas na opisyal kasama na dito ang 3 miembro ng Personnel Selection Board na promote sa mga posisyon na EVP at 2 VP.

Gusto niyang maging deputy CEO, isang posisyon na binuksan nila ng tiyuhin nyang si Neri at mga ka­sabwat nilang miembro ng kunsumisyon este mali komisyon pala.

Ang paghawak ng line department ay labag sa alituntunin ng Civil Service Commission dahil ang isang co-terminus employee ay walang accountability.

Si Echevarria, ang chair ng Steering Committee ng multi billion-peso project na UMID na binubuo ng 3 iba pang ahensya ng gobierno tulad ng  GSIS, Pag- ibig at Philhealth na nagkasundo para sa ID card.

Ang card production ay na award sa ALL CARD, isang joint venture consortium ng TECO at STRADCOM.

Sa loob ng 5 taon ay magpapalabas sila ng 12 million cards na nagkakahalaga ng P140 bawat isa o P1.6 billion ang halaga ng kabuuan.

Sabi nga, laking partihan ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

* * *

Adik tumatakbo sa pulitika sa Malabon

TUMITINDI ang bangayan sa Malabon at hindi biro ang tirahan dito kung ang mga pulitiko ang pag-uusapan.

Sabi nga, siraan dito, siraan doon.

Ika nga, lahat ng baho ay nabubulgar.

Tulad ng isang kangago este mali kandidato pala todits na lulong sa droga kaya dapat sigurong ipa-drug test muna ito bago pumalaot sa pulitika.

Bakit?

Baka dumami ang adik sa Malabon kung manalo ito. Hehehe!

Nasungkit si Mr. Candidate dyan sa Tangke St., Malinta, Valenzuela,  dahil sabog ito sa pinagbabawal na gamot kamakailan pero alaws record sa mga foolish cop na humuli todits porke nagkabigayan ng pitsa.

Alam naman natin ang Malabon kalat ang droga at illegal gambling dito tulad ng video karera ni Buboy Go.

Abangan.

* * *

Biazon sa Muntinlupa

GUSTO ng madlang people sa Muntinlupa City si Pong Biazon ang kumatawan sa kanila sa Kongreso.

Lamang si Pong sa kanyang mga kalaban dahil naging maganda ang naging serbisyo nito sa Philippines my Philip­pines ng Senator pa siya porke walang naging isyu tungkol sa corruption echetera at nakatulong ng malaki sa madlang Pinoy.

ABANGAN

ANTONIO NERI ECHEVARRIA

BUBOY GO

BUSINESS MANAGER

CIVIL SERVICE COMMISSION

MALABON

NERI

SABI

SI ECHEVARRIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with