^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura ng mga kandidato

-

ONE hundred percent na raw handa ang Commission on Elections (Comelec) sa kauna-unahang auto­mated elections. Ibinibiyahe na ang mga balota sa maraming bahagi ng bansa. Patuloy pa rin ang pagtesting ng mga machine para masigurong hindi papalpak sa araw ng election. Patuloy din ang pagtu­turo sa mga guro na magsisilbing watchers. Wala na raw talagang problema para sa pagdaraos ng May 10 elections.

Tila wala na ngang problema dahil nakahanda na ang lahat. Pero kung magmamasid lamang ang Co­melec sa kapaligiran, makikita nila ang problema. Namu­mulaklak ang mga pader, punongkahoy, poste ng kuryente, barandilya at kung anu-ano pang pagka­kabitan, ng campaign materials ng kandidato. Dito na­bigo ang Comelec sapagkat hindi nila nakayang suwe­tuhin ang mga kandidato na sa tamang campaign area magkabit o magdikit ng kanilang materials. Nawala ang pagbabanta ng Comelec na babakla­sin ang mga posters, banners at streamers ng kan­didato. Sa halip na matakot ang mga tagadikit o taga­sabit ng kandidato, lalo pang tumapang at walang patawad kung magkabit sa pader ng mga posters. Nakikita kaya ng Comelec kung gaano na karumi sa maraming panig ng bansa dahil sa basura ng mga kandidato?

Hindi lamang mga posters at streamers ang makikitang nakadikit at nakasabit kundi pati na ang mga nakataling ribbon — dilaw, orange, berde, sa mga barandilya sa center island. Sa kahabaan ng España St. ay maraming nakataling ribbon. Namu­mutiktik naman ang kahabaan ng Commonwealth Ave. sa mga streamers na nakasabit sa kahoy. Ang iba ipinako nang tuluyan ang mga streamers at banner­ sa katawan ng kahoy. Wala nang pakialam kung mamatay man ang kahoy, maikabit lang ang mukha ng kandidato. Ang kahabaan ng Commonwealth ay isa sa mga lugar na bawal maglagay ng campaign materials. Pero hindi sinusunod ng mga alipores ng kandidato ang kautusan at lalo pa ngang naging marahas ang ilan. May mga alipores ng mga kandidato na nagrarambulan dahil sa pag-aagawan sa punong­kahoy at poste na pagkakabitan ng posters­.

Bigo ang Comelec na maipatupad ang kautusan. Siguro’y kailangan pa nang kaunting tapang para ganap na masawata ang mga lumalabag sa pagka­kabit ng campaign materials. Siguro, mas maganda kung pagmultahin ang mga kandidatong nagkalat ng kanilang basura sa kapaligiran. Habulin sila!

COMELEC

COMMONWEALTH AVE

KANDIDATO

NAMU

PATULOY

PERO

SHY

SIGURO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with