^

PSN Opinyon

Sulong Gibo

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“HINDI na ako naniniwala sa survey!” Ito ang reaksyon ni Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro sa kanyang rating sa SWS at Pulse pre-election surveys on voters preference.

Ok. May resulta rito, Gibo, na baka makapagpabago ng isip mo. Ayon sa pinakahuling survey ng ING, isa sa pinakamalaking financial services group sa mundo, para sa mga local at foreign investors ng Pilipinas, nananatiling panatag ang loob nila kung ang isang pamunuang Aquino ang manalo sa 2010. O, heto ang sa ‘yo. Kung dati’y si Villar ang pumapangalawa sa kanilang tiwala, ngayo’y si Gibo na ang malinaw na 2nd Choice ng mga survey respondent.

Tulad ng SWS at Pulse results, si Aquino ay napako na sa dati nitong rating. Sa previous quarter survey ay nasa 37% siya. 37% pa rin ang resulta nya itong huli. Si Villar naman na dati’y pumangalawa sa iskor na 30% ay bumulusok paibaba at sumadsad sa 23%. Ang standing ni Gibo ang pinakamalaking balita. Sa dating 17%, tumalon ito ng double-digit na dagdag – isang karagdagang 11% - at pumalo sa 28%. Halos hindi naiiba sa resulta nitong ING sa SWS at Pulse. Noynoy steady, Villar down at Gibo up.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pananraydor sa kanya ng kanyang Partido at Presidente, napangangatawanan ni Gibo ang kanyang pag-alay ng sarili bilang alternatibo sa mga nangungunang kandidato. Nang kinuha ang pinakahuling survey na ito, kalat na sa tao ang pagresign ni Gibo bilang Chairman ng Partido. Hindi na rin sekreto ang pagkiling ni Gng. Arroyo sa kandidatura ni Villar. Sa kabila ng lahat, tumabo pa rin ng husto si Gibo.

Para sa isang tagamasid, isa lamang ang pinapatunayan ng ganitong resulta. Nakikita ng tao ang taal na kakayahan ni Gibo at nakatulong ng malaki ang pagpatunay na hindi siya tuta ng Malakanyang. Kaya’t hindi ka dapat nawawalan ng loob, Gibo. Yung mga umaapi sa iyo, puro pabigat lang. Habang sila’y tumatalon, pihadong patuloy kang aangat at lilipad sa mas mataas na patutunguhan.  

vuukle comment

AQUINO

AYON

GIBO

GILBERTO

GNG

HABANG

KAYA

PARTIDO

SI VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with