^

PSN Opinyon

Aberya sa Hong Kong

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DALAWANG makina ng Smartmatic ang nagkadiperen-siya nang gamitin sa absentee voting sa Hong Kong. Ayaw tanggapin ang mga balota, kaya mga balota ang unang siniyasat kung may problema sa pag-imprenta o kaya’y may mga markang hindi opisyal. Pero walang nakita sa balota. Nalaman na mga makina ang nagkaproblema kaya agad namang pinalitan ito ng dala nilang reserba. Gumana naman. Pati na yung makina na ayaw gumana ay gumana na rin makalipas ang ilang minuto. Ayon sa opisyal ng Smartmatic, nahamugan ang mga naunang pinasok na makina. Galing sa labas kung saan mainit, tapos pinasok sa isang kwarto na medyo malamig, kaya nahamugan.

Iilan pa lang ang bumoboto sa Hong Kong, may problema nang ganyan. Paano pa dito sa Pilipinas kapag milyun-milyon na ang boboto? Karamihan ng mga presinto ay nasa mga pampublikong paaralan kung saan wala namang aircon kaya hindi siguro magiging problema ang hamog, kung iyon talaga ang dahilan ng pagkakapalpak. Sa tindi ng init ngayon, siguradong walang hamog! Di ako sigurado kung may mga presinto sa mayayamang lugar ng bansa na aircon. Kung meron man, dapat may nakahanda nang mga pampalit na makina kung sakaling mahamugan din.

Dahil sa naganap na insidenteng ito sa Hong Kong, tinitiyak ng Smartmatic na pag-aaralan nila ang nangyari sa Hong Kong para makapaghanda ng mga remedyo kung sakaling maulit. At siguradong mauulit ito. Hindi ako maniniwala na 100 percent ang gaganang PCOS machines pagdating ng Mayo 10. Ang tanong ay kung ilan ang papalpak at kung mareremedyuhan kaagad ng Comelec. Ang nangyayari kasi ngayon, dahil sa naganap sa Hong Kong, hinog na naman ang usaping hindi magiging maayos ang automated elections, magkakaroon ng failure of elections kung saan mababakante halos lahat ng posisyon sa gobyerno, kaya ang militar ang magpapatakbo ng bansa. Hindi magandang isipin dahil wala pang bansa kung saan namuno ang militar ang naging maayos. Tingnan ang Myanmar. Nangako naman ang PNP at AFP na hindi mangyayari iyon kung sakaling pumalpak nga ang elekyon. Tingnan natin. Mahirap mangako ngayon.

vuukle comment

AYAW

AYON

COMELEC

DAHIL

GUMANA

HONG KONG

KUNG

SMARTMATIC

TINGNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with