^

PSN Opinyon

P500 monthly allowance sa senior citizens ni Abante

- Al G. Pedroche -

SA nakalipas na pangangampanya ni Manila 6th district Rep. Benny Abante, ang pangako niya sa mga senior citizens: P500 monthly allowance! Walang dudang maipatutupad iyan dahil mayroon nang batas ukol dito. Ito ang Expanded Senior Citizens Act.

Humihirit kasi muli si Rep. Abante sa pagka-Kongresista at iyan ang campaign promise niya sa mga senior citizens. Kaso nakakatawa. Para kang nangako na pasisikatin mo ang araw bukas ng umaga. At komo ito’y pangunahing provision na ng Expanded Senior Citizens Act, kahit sinong Kongresista pa ang mahalal ay sigurado nang maipatutupad.

Ayon sa batas na nilagdaan kamakailan ni Presidente Arroyo, kung ang isang local government unit (LGU) ay kayang pondohan ang naturang benipisyo ng mga lolo at lola ay obligadong bigyan sila ng P500 monthly allowance.

Kung mangangako ang isang politiko, dapat ay yung mga benepisyong hindi pa umiiral.

May mga nakapagbalita sa atin na bago magmahal na araw ay naging abala itong si Abante at ang kanyang mga disipulo  sa pangangampanya sa mga senior citizens sa 6th district ng Maynila.

May ilang senior citizens na nagreklamo. Sa imbitasyon daw ni Abante sa kanila, binigyan lamang sila ng tig-P50 sa pagdalo sa pulong. Sey daw ng Kongresista, mura lang naman ang pamasahe galing sa bahay ng mga ito papunta sa kanyang simbahan sa Sta. Ana Maynila.

Kawawang mga matanda! Marami sa kanila ang sumakay pa muna ng padyak bago makarating sa istasyon ng bangka sa Punta kaya nag-abono pa ang karamihan sa mga ito ng tig P20 bukod sa tig P50 na kanilang natanggap mula sa kanya.

Sabi nga ng ilan sa mga naturang katandaan, kung bukal ang kalooban ni Abante sa pagtulong sa mga senior citizens, bakit hindi siya ang magbahay-bahay sa mga ito, tutal malakas pa naman ang kanyang mga tuhod. 

ABANTE

ANA MAYNILA

BENNY ABANTE

CITIZENS

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

KONGRESISTA

PRESIDENTE ARROYO

SENIOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with