^

PSN Opinyon

Sa harap ng tagtuyot irigasyon ang kailangan

- Al G. Pedroche -

SEY ng barbero kong si Mang Gustin, “gumagrabe ang tagtuyot.” Iiling-iling siya habang hawak ang dyaryo na may larawan ng mga tigang at bitak-bitak na lupa.

In fairness, sa harap ng lumulubhang tagtuyot, maa­gap na kumikilos ang gobyerno para kumpunihin ang mga pasilidad sa irigasyon. Dapat lang porke survival na ang pinag-uusapan dito. May programa ang pamahalaan laban sa tag-gutom pero talagang perhuwisyo ang pagbabago ng panahon. In any case, nagdo-double time naman ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

Ang National Irrigation Administration (NIA) ay kabalikat sa Anti-Hunger Task Force na nagpapatupad ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP). Wika nga kung may problema, may oportunidad.

Nasabi ko ito dahil sa ngayon, may 55,546 katao ang nabigyan ng trabaho sa pagsasaayos ng irrigation facilities sa 32 lalawigan sa Priority One at Priority Two areas ng AHMP. Ang trabahong binuksan ng NIA ay malayo ang mararating sa pagtustos ng pangangailangan sa pagkain ng mga benepisyaryo. Ayon sa ulat ng NIA sa National Nutrition Council, narehabilitate ang mga irrigation facilities sa 24,441 ektaryang lupain at nabenepisyuhan ang 16,294 na magsasaka.  

Sige lang NIA! Ipagpatuloy n’yo ang pagkukumpuni ng mga irigasyon para matulungan pa ang mga magsasaka sa buong bansa. Tingin ko, lahat ng Pinoy ay makikinabang dahil nareremedyuhan din ang problemang kaakibat ng climate change bukod pa sa hinahanapan ng solusyon ang problema sa gutom at kahirapan.

Ang programa ay ipinatutupad ng Anti-Hunger Task Force na pinamumunuan ng National Nutrition Council (NNC).          

Ito ay isinusulong ayon sa direktiba ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang pag­papatupad ng Millennium Development Goals ng pamahalaan. 

vuukle comment

ACCELERATED HUNGER-MITIGATION PROGRAM

ANG NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

ANTI-HUNGER TASK FORCE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MANG GUSTIN

MILLENNIUM DEVELOPMENT GOALS

NATIONAL NUTRITION COUNCIL

PRIORITY ONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with