^

PSN Opinyon

Divine Mercy

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay. Ito ang tinatawag na Linggo ng Banal na Pagkaawa ni Hesus sa sangkatauhan (Divine Mercy). Ang debosyong ito ay sinimulan maraming taon na ang nakalilipas ni Faustina Kowalska na ngayo’y itinalaga nang santa ni Pope John Paul II noong April 30, 2000. At noong May 23, 2000 ay itinatag ang “Congregation of divine worship” ng nasabing Papa “a perennial invitation to the Christian World to face with confidence in divine benevolence, the difficulties and trials that human kind will experience in the years to come.”

Ang pagpapagaling kalakip ng Banal na Pagkaawa ay ibinigay ni Hesus kay Pedro. Ang matamaan man lang ng anino ni Pedro ay gumagaling ang mga maysakit. Parami nang parami ang nananalig at sama-samang sumasampalataya sa Panginoon. “Butihing Poo’y purihin’ pag-ibig nya’y walang maliw”. Maging si Juan ang pinakamamahal na alagad ay pinagpala ni Hesus. Sa parusa sa kanya ng mga Romano ay hindi siya naprito sa kumukulong langis, itinapon siya sa pulo ng Patmos at doo’y kinasihan siya ng Espiritu at sinabi sa kanya: “Isulat mo ang iyong nakikita, huwag kang matakot! Ako ang simula at ang wakas”. Alpha et Omega

Sa Kanyang Muling Pagkabuhay ay ipinahayag ni Hesus ang Kanyang walang hanggang pagbati. Kahima’t nakapinid ang pinto sa pagtatago ng mga alagad sa takot sa mga Judio ay biglang napagitna sa kanila si Hesus at sinabi: “Sumainyo ang kapayapaan!” Ipinakita Niya ang mga nangyari sa kanyang mga kamay at tagiliran. “Sumainyo ang kapayapaan, sinugo Ako ng Ama, sinusugo ko kayo. Tanggapin nyo ang Espiritu Santo. Patawarin nyo sa kanilang kasalanan”. Maging si Tomas sa kanyang pagdududa ay binati Niya: “Sumainyo ang kapayapaan”. Doon lamang naliwanagan siya at sinabi: “Panginoon ko at Diyos ko”.My Lord and my God

Sa ngayon ay higit tayong pinagpapala ni Hesus na kahima’t hindi natin nakita ang mga nangyari sa Kanya libu-libong taon na ang nakalilipas at wagas pa rin ang ating pagiging saksi ng pagliligtas sa atin ng Panginoon. Kaya’t tayo ang nagsasabuhay ayon kay Juan: “Ang mga nakatala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ay Mesiyas, ang Anak ng Diyos at sa gayo’y magkaroon ng buhay sa pamamagitan Niya”. Alleluia!

Nais kong batiin ang       aking tiya si Crisanta Capalad Baladad vda de Maximo Diasanta sa kanyang ika-80 taong kaarawan sa April 14. Gaganapin ang pagdiriwang sa Graceland Estates Tayabas, Quezon sa April 17.

Gawa 5:12-16; Salmo 118; Pahayag1:9-13 at Jn20:19-31

BUTIHING POO

CHRISTIAN WORLD

CRISANTA CAPALAD BALADAD

HESUS

PANGINOON

SUMAINYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with