^

PSN Opinyon

Ano pong dapat kainin para hindi magka-colon cancer?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Good day po, Dr. Elicaño. Tanong ko lang po kung ano ang dapat kainin para maiwasan ang colon cancer? Totoo po bang ang mga nahihirapan sa pagdumi ay may posibilidad na magka-colon cancer? Ano ba ang mga examination para ma-detect ang cancer sa colon?  — MARY GRACE ng Valenzuela City

Ang cancer sa colon ay tinatawag ding cancer sa large intestine. Iniuugnay ang cancer na ito sa pagbabago ng bowel flora kung saan napo-produce ang carinogen sa ingested food. Iniuugnay din sa mga nahihirapang dumumi sapagkat kulang sila sa fiber diet. Ang mga taong may large bowel polyps ay malaki ang posibilidad na tubuan doon ng cancer.

Ang mga eksaminasyon na isinasagawa para madetect ang colon cancer ay ang proctosigmoidoscopy at colonoscopy. Ang blood test CEA (carcino-embryotic antigen) ay makatutulong din.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers sa Roosevelt Hospital sa New York City, ang gamot sa cholesterol ay nakatutulong para mapababa ang panganib na magkaroon ng colon cancer. Kapag nag-combined ang aspirin at Lovastatin na panggamot sa cholesterol, nare-reduce ang colon cancer ng 86 percent.

Pinakamainam na kumain ng mga maberdeng gulay at sariwang prutas para maiwasan ang colon cancer.

vuukle comment

ANO

CANCER

COLON

DR. ELICA

INIUUGNAY

KAPAG

NEW YORK CITY

ROOSEVELT HOSPITAL

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with