^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siguruhing may kuryente sa May 10 elections

-

TATLUMPUNG araw na lamang at election na. Marami nang kandidato ang kinakabahan at hindi makatulog dahil hindi nila alam kung mananalo ba sila o hindi. Kung maari ay hatakin na ang mga araw para maidaos ang election at makabalik na sila sa normal na buhay. Pero kung mas may nakakakaba man, hindi ang pagkapanalo o pagkatalo nila, kundi kung magtatagumpay ba ang kauna-unahang automated elections sa bansa. Paano’y araw-araw na ang nangyayaring pagkawala ng kuryente hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming bahagi ng bansa. Sa Mindanao ay 12 oras na nawawalan ng kuryente. At ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon nang maruming election. Sa lugar na nabanggit nagkaroon nang grabeng dayaan. At kung hindi mareresolba ang problema sa kuryente, delikadong pumalpak ang kauna-unahang automated elections.

Sa Metro Manila ay nararanasan na ang dalawang oras na walang kuryente sa araw-araw. Maraming dahilan ang Meralco kung bakit nawalan ng kuryente. Ayon sa kanila may isinasaayos na power plants kaya nagkakaroon ng rotating blackouts. Tuwing Abril at Mayo raw isinasagawa ang mga pagkukumpuni. At kaya raw napaaga ang maintenance ng mga planta ay para masiguro na may sapat na kuryente sa May elections.

Sana nga ay ito ang dahilan kaya nagkakaroon ng rotating blackout. Ang nakapagtataka naman ay kung kailan nawalan ng kuyente ay saka naman magtataas ng singil ang Meralco. Magtataas ng 93 sentimos bawat kilowatt-hour ang Meralco. Isang malaking pasanin na naman para sa mga consumer ang nakaamba. Nagtitiis na sa init ng panahon ay magbabayad pa nang mahal.

Sa Mindanao, tatlong araw na sususpendehin ang operasyon ng factories at malls sa Mayo para makasiguro na may sapat na kuryente sa elections. Ayon sa Energy officials, ito lamang ang pinakamahusay na paraan para masigurong may kuryente sa lugar.

Tama ang ginagawang ito sa Mindanao para hindi magkaroon ng kapalpakan ang election doon. Ganito rin sana ang gawin sa iba pang lugar para ang isasagawang automated elections ay maging matagumpay. Ang ibang sector ay dapat din namang gumawa ng iba pang kaukulang hakbang kung paano masisiguro na may sapat na election sa Mayo.

Mahalaga ang May 10 elections kaya huwag haya­ang bumoto na kandila ang gamit. Hindi na dapat bumalik sa lumang paraan na ang sumatotal ay bat-bat ng dayaan.

vuukle comment

ARAW

AYON

KUNG

KURYENTE

MERALCO

METRO MANILA

MINDANAO

PARA

SA MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with