^

PSN Opinyon

Mga burongoy kawatan at foolish cops sa Karuhatan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MATINDI ang proteksyon ng isang kilalang drug addict sa Barangay Karuhatan dyan sa Valenzuela City porke ‘untouchable’ ito hindi lang sa mga foolish cop kundi pati sa mga burongoy kawatan.

NAKU HA!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas ‘Mick” ang gagong adik wala itong kinatatakutan at grabe as in grabe kung manggulo.

Sabi nga, malakas ang loob may protektor kasi.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit malakas ang loob ni Mick na gumawa ng kagaguhan sa Lungsod ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. Dahil ba patong ang mga lespu todits at mga burongoy kawatan? Paging PDEA Director Santiago, Your Honor.

Siguro panahon na para makalawit si Mick at ibiyahe pa­punta sa paanan ni San Pedro dyan sa heaven para naman matahimik ang ilang mamamayan dyan sa Barangay Karuhatan.

Last Saturday, ay naghasik ng kagaguhan si Mick pinag­tripan nito ang isang kelot habang ito ay tsumi-tsibog sa isang karinderya. 

Walang-awa nitong pinukpok ng bote sa ulo. Hindi pa nasiyahan, pinagsasampal pa niya ito kahit na duguan ang pobreng alindahaw pero alaws ginawa ang mga burongoy kawatan at mga foolish cop on the block sa kamoteng si Mick.

Sa sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang binubugbog ni Mick ang pobreng alindahaw, ang mga opisyal ng burongoy kawatan plus ang super tuod este mali tanod pala na nandoon na walang ginawa sa gago kundi ang panoorin nila ang pangyayari. Ang masama pa sila pa ang nagsulsol sa gagong war adik na tumakas.

Ang pinagkakalat ni Mick malakas siya dahil may proteksyon sa kanya ang mga kamote sa Barangay Karuhatan dahil kumikita ang mga gago sa mga drogang ipinakakalat ng mga pusher todits at mas lalong mas malakas pa ito sa mga foolish cop na nakatalaga sa nasabing Baragay.

Naku ha!

Totoo kaya ito? 

Abangan ang mga taga - PDEA Mick kamote.

Cell phone smuggling sa Subic

UMAALINGAWNGAW na parang siren ang isang karag - karag na ambulance ang pangalan ni Kenneth sa Port of Subic dahil sa sinasabing cell phone smuggling using warehousing scheme.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Paging kabit este mali Collector Tita pala pakibusisi nga ito.

Bakit kasi pinayagan na ipasok ang umano’y Samsung finish product sa locator warehouse?

Bakit nga ba?

Pagkatapos ikinasa pa ng mga gago ang illegal withdrawal at nasaan ang million cell phones ngayon?

Pakisagot nga southwing.

Abangan.

Ver nabaho gamit ang pangalan ni Mayor Lim

GRABE as in grabe ang nabalitaan ng mga kuwago ng ORA MISMO, dyan sa Maynila porke ginagamit ng mga ka­ moteng sina Ver nabaho at Eming porke sila ang kumokontrol at nagbibigay ng ‘basbas’ para mandaya este mali mag-operate ang mga sugalan sa Maynila gamit ang pangalan ni Mayor Fred Lim.

Naku lagot kayo kay Fred!

Ipinagkakalat ni Eming at Ver nabaho na batang sarado sila ni Fred at ni MPD Director na si Magtibay pero hindi pa dito nagtatapos ang mga kagaguhan ng dalawa dahil pati ang pangalan ni NCRPO Boysie Rosales at Bobby dela Joya ng DILG ay ginagasgas nila dahil sila daw ang bagman ng mga ito.

Siyanga pala CPNP Jess Verzosa, Manila police si Ver na nakatalaga ngayon sa NCRPO.

Abangan.

Luding, Romy Diaz at Aging luslusan

MATINDI ang jueteng operation ni Luding sa Baguio at La Union dahil malakas daw itong maglagay sa NBI.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Aging luslusan ay namamayagpag sa Olongapo dahil exclusive nito ang bookies ng STL sa nasabing place.

Samantala, isang Romy Diaz dyan sa Occidental Mindoro ang sagana sa pitsa dahil malaki ang kubransa nito sa nasabing province dahil sa jueteng operation.

Abangan

ABANGAN

BAKIT

BARANGAY KARUHATAN

DAHIL

MICK

NAKU

ROMY DIAZ

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with