^

PSN Opinyon

Matindi ang banggaan nina Atienza at Lim

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

GRABE na itong init na nararanasan sa Metro Manila kayat mga suki, ibayong pag-iingat ang iyong gawin upang maiwasan ang heat stroke, ubo’t sipon at skin diseases. Dahil ayon kay director Nathaniel Cruz ng Philippine At-mospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) umabot sa 36.1 celcius ang naitalang temperatura noong Martes na mas higit na mainit sa mga nagdaang araw ng Marso. Kayat maging ang Department of Health ay nagpahayag na palaging uminom ng tubig upang maiwasan ang dehydration at iwasan ang pagbibilad ng direkta sa sikat ng araw dahil bukod sa masusunog na ang inyong balat namimiligro rin itong magkaroon ng iba’t ibang uri ng sakit. Sa balat. At dahil sa matinding init ng panahon ngayon na nararanasan marami sa ating mga kababayan ang maiinit din ang tumbong.

Katulad na lamang sa naganap na pagsagupa ng mga supporters nina Manila mayor Alfredo Lim at dating mayor Lito Atienza sa Plaza Dilao sa may Quirino Avenue Extention noong Martes ng madaling araw. Nagkabasag-basag ang wind shield ng Toyota FX ng mga bataan ni Lim ng pagbabatuhin umano ng mga supporters ni Atienza. Nagkasapawan umano sa pagpaskil ng compaign posters nina Lim at Atienza ang motibo ng balugbugan ng mga maiinit na supporters kung kaya humantong ito sa himpilan ng Manila Police District. Umabot sa 12 suporters ni Atienza ang dinampot ng MPD Mobile Patrol Group at 2 naman sa supporters ni Lim ang nagkapasa sa iba’t ibang parte ng katawan. Ganyan kainit ang pulitika sa ngayon sa Maynila kayat di malayong mailalagay rin ito sa hot spot ng Comelec sa mga darating na mga araw. At kung patuloy itong pababayaan ng Comelec at ng ating kapulisan tiyak na hahantong ito sa pagdanak ng dugo. Alam naman ng mga Manilenos na malalim na itong paggigirian nina Lim at Atienza at habang papala-pit ang 2010 ay namimintog itong susulwak na mauuwi sa paglabo-labo ng kanilang mga supporters dahil sa tingin ko hindi nila kayang rendahan ang kanilang mga alipores. Di ba mga suki! At dahil sa pag-init ng magkabilang kampo minalas naman itong aking kasamahan sa hanapbuhay na si Molly Angeles, chief Radio Reporter ng DZME nang atakehin ng heat stroke habang kinaka-panayam ang anak ni dating Manila mayor Lito Atienza na si Ali kaugnay sa naturang kaguluhan. Mukhang napagod at hindi nakayanan ni Molly ang sobrang init ng panahon kung kayat bumigay ang pangangatawan sa paghahabol kina Lim at Atienza na ma-interviews para   mai-ere sa himpapawid ang bawat bersyon hingil sa naturang pangyayari. Ayon kay Mike Almonte ng DZAR Sun Shine Radio magkasabay nilang ininterbyu si Mayor Lim sa lobby ng MPD headquarters at matapos nito agad na silang sumakay ng motorsiklo at nagtungo sa headquarters naman ni Atienza sa Amatista St., San Andres Bukid upang maging parehas ang kanilang pag-uulat. At habang ini-ere ni Molly ang bersyon ni Ali Atienza sa naturang kaguluhan ay bigla na lamang itong paupos na bumagsak sa hita mismo ni Ali na walang malay. Simbilis ng kidlat na dinala ni Mike at ng driber ni Atienza si Molly sa Manila Doctors Hospital kung saan sa ngayon siya nakaratay na comatose. Kaya mga suki, hiling ko ang inyong dalangin para sa kaligtasan ni Molly. At kayong mga politiko, rendahan ninyo ang inyong mga alipores ng hindi humantong sa init ng ulo.

ALFREDO LIM

ALI

ALI ATIENZA

AMATISTA ST.

ATIENZA

COMELEC

DEPARTMENT OF HEALTH

LITO ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with