^

PSN Opinyon

Para sa CHR.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI na ikinagulat ng BITAG nang makatanggap kami ng isang subpoena mula sa tanggapan ng Commission on Human Rights.

Ayon sa subpoena, kinakailangan umanong magpasa ng kontra salaysay o counter affidavit ng mga BITAG staffs hinggil sa reklamo ng isang nagngangalang Ermadel Dimaran.

Ang reklamo laban sa BITAG, pagpasok umano ng kanilang bahay nang walang search warrant at pamimin-tang na kidnapper umano siya ng bata.

Ang nagrereklamong si Dimaran ay ang inirereklamo ng inang lumapit sa BITAG na si Michelle Umali dahil ang kaniyang sampung buwan na gulang na anak, ayaw ibalik ni Dimaran sa tunay na ina.

Sumbong ni Umali sa BITAG, kaibigan ng ama ng kanyang anak si Dimaran. Ipinaubaya muna ni Umali ang bata sa ama nito upang maghanap sana ng trabaho at oras na makakita ito ay kukunin rin ang bata.

Subalit huli na ng kanyang malaman na ipinaalaga ang kanyang anak sa kaibigan ng kanyang boyfriend at ama ng bata, ito nga ay si Dimaran.

Nang makahanap ng trabaho ay nais na sanang kunin ni Umali ang anak kay Dimaran subalit hindi ito pumayag.

Ilang beses pinuntahan sa bahay at nakipag-usap sa text si Umali mabawi lamang ang anak subalit hindi siya nagtagumpay sa pagmamatigas ni Dimaran at pamilya nito.

Ito ang nagtulak kay Umali para lumapit sa BITAG at inilapit naman ito ng aming grupo sa Department of Social Welfare and Development ng Antipolo at Antipolo Police.

Base sa imbestigasyon ng DSWD at Antipolo Police, may karapatan si Umali na bawiin ang kanyang anak dahil siya ang tunay na ina.

Oras na magmatigas ang nag-alaga sa bata na hindi ibigay ang sanggol sa kanyang ina, matatawag itong kidnapping.

Dagdag pa ng DSWD at Antipolo Police, lalo na kung pinababayaran muna ng nag-alaga ang mga nagastos sa pag-papalaki sa bata.

Kaya’t sa desisyon ng DSWD at Antipolo Police, pinuntahan ang bahay ng mga Dimaran upang bawiin ang bata. Hanggang sa huli, nagmamatigas pa rin ang pamilya ni Dimaran kahit naipaliwanag na ang napapaloob sa batas.

Para sa CHR, pagbibigay linaw lamang ito sa kaso. Pag-aralan n’yong maigi ang reklamo sa inyo kung karapat-dapat na ba itong ituring na reklamo.

Hawak ng mga pulis at ng DSWD ang buong impormasyon sa reklamo ng inang si Umali, kung gusto niyo rin ng kopya ng segment nito, bibigyan kayo ng BITAG.

Kaya’t wala kaming dapat ipaliwanag, binigyang linaw na namin kayo sa kaso.

ANTIPOLO POLICE

BATA

BITAG

DIMARAN

ERMADEL DIMARAN

HUMAN RIGHTS

KAYA

MICHELLE UMALI

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with