^

PSN Opinyon

Isyu ang pagiging mahirap ng kandidato

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

GRABE ang nangyayaring pulitika sa Pililpinas. Ang isa sa nangungunang kandidato sa pagka-presidente ay namimilit na nanggaling siya sa pagka-mahirap. Hindi na niya hinintuan na ulit-ulitin na siya ay galing sa pagiging mahirap. Hangggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang puso niya sa mga mahihirap sapagkat marami pa ring mahihirap ang may koneksiyon sa kanya.

Samantala, ang pangunahing karibal naman nito sa kampanya ay sinasabi naman na siya ay nanggaling sa mayayamang angkan at hindi naman itinago na mahirap din ang kanyang pinanggalingan. Ang nababanggit nga lamang nito ay marami rin siyang kamag-anak at mga kasamahan na mahihirap din ang kalagayan sa buhay. Hanggang ngayon ay marami pa rin siyang mga natu­tulungang mahihirap at sila naman ay naki­kipagtulungan din sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa mahihirap sume­sentro ang kampanyahan at hindi sa mga mahahalagang isyu at mga problema ng bansa gaya ng graft and corruption, terorismo, patayan at napakaraming nama­matay sa gutom, walang trabaho at napakarami pang iba. Baka nais ni pulitiko 1 na dalhin ang usapan kung saan siya nakalalamang at ito ay naging matagumpay siya sa negosyo at pulitika mula sa pagka-mahirap.

Nais nitong ilagay ang kanyang karibal na mayaman sa alanganin sapagkat mayaman at haciendero kung kaya hindi ito dapat na iboto ng mga mahihirap. Ang nangyayari ngayon ay marami na rin ang naiinis at naririndi na sa paulit-ulit na klase ng pangangampanya ni pulitiko 1 kaya lumilipat na ang maraming dating kasamahan ng unang pu­litiko lalo na’t ang una ay kinakasuhan ng graft and corruption ng kanyang mga kasamahan mismo.

Hindi dapat na maging isyu kung mahirap man o ma­yaman man ang taong gustong magsilbi sa taum­bayan. Ang nangya­yari nga­yon sa pangangam­panya ng dalawang nasa­bing pulitiko ay lalong nag­papakita lamang na nag­papataasan lamang sila. Wala namang kakuwenta-kuwentang isyu at nagsa­sayang lamang ng oras. Ma­tauhan sana ang puli­tiko 1 sa kanyang gimik.

HANGGANG

HANGGGANG

MAHIHIRAP

MAHIRAP

PILILPINAS

SAMANTALA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with