^

PSN Opinyon

Seguridad ng balota tinanggal ng Comelec

SAPOL - Jarius Bondoc -

PARANG libreng sample ng pusher pang-udyok sa addict, bago taasan ang presyo. Ipinakita ng Comelec at automation supplier Smartmatic lahat ng galing ng precinct count optical scanner. Matapos mapahanga ang mga media at mapakumpiyansa ang 81% ng publiko, pinatay naman ang mga seguridad laban sa pandadaya sa automated election.

Unang tinanggal ang screen na nagpapakita sa botante kung paano siya bumoto. Pang-seguro sana ito na tama ang pagbasa ng PCOS sa balota bago pindutin ang “enter” para isubo. Taglay ng parehong PCOS model SAES-1800 ang screen nang gamitin sa halalan sa New York.

Naglaan ang Comelec ng P11.3 bilyon para sa automation. Nanalo ang Smartmatic sa sobrang babang bid na P7.2 bilyon. Pero hindi maari ipalusot ang maling presyo sa pagkukuripot sa seguridad ng balota.

Pangalawa ang ultraviolet mark reader ng PCOS. Ito ang pangtiyak ng PCOS kung tatanggapin ang tunay na balota at iluluwa ang peke. Inalis ng Comelec-Smartmatic ang secret U/V mark dahil mahirap timplahin ang tinta. Pero ang hirap din mismong ‘yon ang pang-iwas sa pag-imprenta ng pekeng balota.

Mas delikado, inalis ng Comelec-Smartmatic ang U/V matapos baguhin ang ballot box. Plano nu’ng una na see-through polycarbonate ang boxes, para makita ng botante ang loob. Bumago lang sila sa opaque dahil pina­lalabo umano ng sikat ng araw ang U/V marks. Tapos, inalis nila ang U/V reader, pero hindi sila bumalik sa transparent boxes.

Ikatlo, at malamang hindi huli, inalis ng Co­melec ang electronic signature ng Board of Election Inspectors (mga guro). Nu’ng una, dapat muna i-enter ng tatlong BEI members­ ang kanilang passwords bago i-transmit ang mga resulta mula precinct cluster pa­tungong canvassing center. Walang rason, biglang bi­nago ng Comelec ang pata­karan. Anang mga eks­perto, dahil daw ito sa atra­sa­dong pag-recruit ng Smarmatic subcontractors ng info-technicians at pagturo sa BEIs gamitin ang PCOS.

ANANG

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

BUMAGO

COMELEC

COMELEC-SMARTMATIC

IKATLO

NEW YORK

PERO

SHY

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with