^

PSN Opinyon

Paano ang Mandaluyong kung drug user ang mayor?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

IBINABANDO ng kampo ni Mandaluyong City mayoralty bet Ernest Albert Domingo Buan na makapagpi­piyansa na siya sa Abril 15. Kahit saang sulok ng siyudad ay pinag-uusapan ang nakaambang pansamantalang paglaya ni Buan sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng cocaine. Subalit hindi naman sinasabi ng kampo niya kung paano makapagpipiyansa si Buan dahil sa pagkaalam ko patuloy pa ang pagdinig ng motion for bail niya sa chamber ni Judge Abraham Borreta, ng Pasig City RTC Branch 154. Ang huling balita ko binigyan ni Borreta ang magkabilang panig ng hanggang Abril 5 para magkomento sa bail isyu ni Buan. Kaya’t mukhang inuunahan ng kampo ni Buan ang desisyon ni Borreta. Atat na atat na sigurong sumali sa kampanyahan si Buan. Dapat naman para mga kamay ng supporters niya ang hihimasin at hindi malamig na rehas na bakal ng kulungan. Ano ba ‘yan?

Subalit ang ikinakalat ng kampo ni Buan ay hindi magdudulot ng maganda sa kaso niya. Ang pagkatao kasi ni Borreta ay hinalungkat na at ginagatungan pa ng mga tsismoso at tsismosa. Halimbawa, si Borreta raw ay may malaking utang na loob sa pamilya ng mga Domingo dahil sa relasyon ng mahal niya sa buhay. Ang balita, ang matandang Domingo ang tumulong na mag-ayos ng kasal ba ‘yon ni Borreta sa asawa niya? Kaya’t siguradong makapagpipiyansa si Buan dahil magbabayad ng utang na loob si Borreta? Hindi naman siguro totoo ang tsismis na ‘yan, di ba mga suki? Kasi nga, hindi isusugal ni Borreta ang kinabukasan niya sa Hudikatura para lang sa kaso ni Buan.

Ang masama niyan, uma­alsa ang mga botante sa Man­daluyong sa balitang magpi­piyansa si Buan. Nais kasi ng mga magulang sa siyudad na manatili si Buan sa kulungan para hindi na mahawa ang ka­nilang mga anak. Sa ngayon, medyo mababa ang kaso ng droga sa siyudad, ayon sa talaan ng local na pulisya, at ang paglaya ni Buan ay ma­aaring maging daan para yumabong ang bisyo sa kalye.

Kapag nasa entablado ang mga kaalyado ni Buan, ang palagi nilang sinasabi ay na frame-up lang ang manok nila ng kalaban sa pulitika. Parang sirang plaka sila. Maaring sa korte ay may lusot si Buan sa pagka-positive ng urine sam­ples niya ng sangkap ng shabu at ecstasy subalit sa mata ng publiko paano niya maipaliwa­nag ito? Positibo sa shabu at ecsta­sy ang ihi ni Buan na ang ibig sabihin ay guma­gamit siya ng droga. At ‘yan ang isa pang dahilan kung bakit dumarami sa mga botante ng siyudad ang tumututol na maging mayor nila si Buan. Ano na lang ang kinala­basan ng ka­bataan at maging ang ekono­miya ng siyudad kung si Buan na drug user ang lider nila? Imbes na Tiger City magi­ging Drug City ang Manda­luyong? Kaya kahit ano pa ang boladas ng kampo ni Buan, tiyak ta­tanggihan siya ng mga botante ng Manda­luyong. Abangan!

ABRIL

ANO

BORRETA

BUAN

DOMINGO

DRUG CITY

KAYA

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with