^

PSN Opinyon

5 Arroyo sa Kamara paano naging tama?

SAPOL - Jarius Bondoc -

HAYAN na naman si presidential spokesman Ricardo Saludo, dinedepensahan ang hindi madedepensahan hanggang sa punto ng kakatuwa. Walang masama aniya sa napipintong pagkakaroon ng limang Arroyo sa Kamara de Representante: Gloria bilang Pampanga congresswoman, anak na Dato bilang Camarines Sur congressman, bayaw na Iggy bilang Negros Occidental congressman, at isa pang anak na Mikey at hipag na Marilou bilang party-list representatives. Ginagawa rin daw naman ’yun ng ibang angkang politiko, sabi ni Saludo, kaya puwede rin ang mga Arroyo.

Sadyang nakapagpapalimot sa batas ang pagta­trabaho sa Palasyo ng Malacañang. Kaya kailangan pa­alalahanan si Saludo: Ipinagbabawal ng Konstitusyon ang political dynasties (Article II, Section 26). Hindi komo walang enabling law (dahil ayaw magpasa ang mga sakim na politiko) ay ibig sabihin maari nang abusuhin ang puwang sa sistemang politika. Masama pa rin sa mata ng publiko ang abusong sabay-sabay o magkaka­sunod na paghahari ng magkakamag-anak.

At napag-uusapan na rin ang “abuso,” dumako tayo sa kakambal na punto: Si Gloria Arroyo ang nagpinansiya ng matulin na pag-angat ng Ampatuan political dynasty. Mula nang naupo si Arroyo nu’ng 2001 napasakamay ng angkan ang 22 halal na puwesto sa Maguindanao province at Autonomous Muslim­ Region, bukod pa sa ma­raming hirang na posisyon. Nagkamal sila ng bilyon-pisong hindi ma­ipaliwanag na mga man­siyon, kotse at armas.   Ang pagbabawal ng Kons­ti­tus­yon sa political dynasties ay upang maiwasan ang pag-abuso ng kapang­yarihan. Pero kinunsinti ni Arroyo ang mga Ampatuan hanggang malango sila sa poder. Sa huli, sila ang umano’y nagmasaker sa 57 babaing katunggali sa pulitika, abo­gado, at mama­mahayag.

* * *

Lumiham sa [email protected]

AMPATUAN

AUTONOMOUS MUSLIM

CAMARINES SUR

GINAGAWA

IGGY

NEGROS OCCIDENTAL

RICARDO SALUDO

SALUDO

SHY

SI GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with