^

PSN Opinyon

B.I.R., basahin niyo 'to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDING-HINDI makakalimutan ni Ruchel Gestas ang mapait na sinapit matapos maglingkod ng tapat sa loob ng 15 taon sa kaniyang dating pinapasukang kumpanya.

Isang taon na rin ang lumipas nang hawakan ng BITAG ang kasong ito ni Ruchel, ang kaniyang inirereklamo, ang Tambunting Holdings Inc. na siyang may hawak ng iba’t-ibang sanglaan sa buong Pilipinas.

Matatandaan, si Ruchel ang empleyadong ginamit ang kaniyang pangalan ng Tambunting bilang Presidente ng limang sanglaan sa Bicol.

Lingid sa kaniyang kaalaman, may gusot na palang kinasangkutan ang mga pawnshop na ipinangalan sa kaniya, hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Dahil dito, dalawang beses siyang inaresto at nakulong sa salang tax evasion na hindi naman niya ginawa.  

Sa kasalukuyan, bagamat wala ng pangamba si Ruchel na anumang oras ay maaari na naman siyang arestuhin sa kasong tax evation, hindi pa rin niya maiayos ang sariling buhay.

Dahil sa patung-patong na kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue laban sa pangalan ni Ruchel, hindi siya makapamasukan ng trabaho.

Hindi pa kasi malinis ang kaniyang record sa National Bureau of Investigation kapag kukuha siya ng clearance bilang pangunahing requirement sa mga kumpanyang kaniyang papasukan.

Ayon kay Ruchel, isang taon nang buwan-buwan siyang lumuluwas ng Bicol upang um-attend ng hearing sa tulong ng Public Attorney’s Office ng Legaspi Albay.

Oo nga, nagsalita nga noon sa aming camera ang BIR main legal office at ang Director ng BIR-Bicol na naniniwala silang ginamit lamang na dummy ang biktima ng Tambunting.

Subalit hanggang ngayon, mismong hukuman na sa Legaspi, Albay Regional Trial Court, naghihintay na sa ipalalabas ng BIR na motion to dismiss. Tila nagkilos-pagong ang pamunuan ng BIR sa usaping ito.

Eto na lamang ang hini­hintay upang tuluyang ma­isarado ang kaso at mananagot na ang dapat managot at siyang tunay na nanloloko sa gobyerno, ang kumpanya ng Tambunting.

Para sa buong pamunu- an ng BIR, pakinggan niyo ang hiling ng pobreng biktimang si Ruchel, sapat na siguro ang naranasan niyang pag­labas-masok sa hukuman.

Panahon na upang ha­bulin ang tunay na may ka­salanan, layunin lamang ng BITAG na makamit ang katarungan at lumabas ang katotohanan.

ALBAY REGIONAL TRIAL COURT

BICOL

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DAHIL

LEGASPI ALBAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PUBLIC ATTORNEY

RUCHEL

RUCHEL GESTAS

TAMBUNTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with