Ang kuripot na mister at masunuring misis

MINSAN merong napaka-kuripot na mister. Bago puma- naw pinatawag niya ang kanyang abogado at, sa kanyang kakunatan, ay nagpagawa ng kasulatan: “Na Kapag namatay na ako, gusto kong dalhin lahat ng pera sa kabilang buhay. Kaya dapat papirmahin mo ang asawa ko sa kasunduan na isasama niya lahat ng salapi sa kabaong ko bago ibaba sa hukay.”

Ginawa nga ng abogado ang dokumento at pinapirmahan ito sa misis sa harap ng kuripot na mister. Nangako nga ang misis na isasama sa ataul lahat ng pera ng mister sa libing nito.

At, namatay na nga siya...

Kaya naroon siya, nakalatag sa casket. Nakaupo ang misis sa harap, naka-damit panluksa, katabi ang pinaka-malapit na amiga.

Matapos ang necrological services at misa, at bago isara ng mga taga-funeraria ang ataul, tumayo ang misis at nagsabing, “Sandali lang.”

“Lumapit siya sa kabaong, bitbit ang isang malaking kahon, na isinilid niya sa loob sa tabi ng binti ng patay na mister.

Saka pa lang ikinandado ng mga taga-funeraria ang casket, at nirolyo ito pababa ng hukay.

Bumulong ang best friend sa masunuring misis: “Huwag mong sabihing inilagay mo nga lahat ng pera ng asawa mo sa kabaong; kung gan’un nga ay sira-ulo ka.”

Lumuha ang misis: “Hindi ko maaring talikuran ang aking pangako na isama sa kanyang libing lahat ng pera niya; may kasulatan kami.”

“Ibig sabihin tumupad ka sa usapang isasama ang pera sa ataul?”

“Oo, siyempre,” sabi ng misis. “Pinagsama-sama ko lahat ng pera niya, idineposito ko sa bank account ko, at saka ako nag-issue ng tseke. Kung mapa-encash niya ang tseke, bahala siya kung saan niya gagastusin lahat ng pera niya.”

* * *

Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com

Show comments