'Power of money' vs landgrab victims?
NOON, mga katutubong Dumagat mula sa Norzagaray, Bulacan ang nagpapasaklolo dahil inagawan ng lupain ng isang presidential candidate. Nagpa-press conference sila, nag-rally sa Ombudsman at sa harap ng malaking TV network, no pansin pa rin. Wala pang balak si Sen. Manuel Villar na tumakbo sa pagka-presidente ay dumulog na sa akin ang mga taong ito. Walang umintindi sa kanila liban sa munti kong tinig. Ngayon, nagpaparatang ang kampo ni Villar na ito’y demolition job.
Ganyan din ang kaso ng mga taga-San Pedro, Laguna na biktima rin ng pangangamkam ng lupa: 2.18 ektarya sa lugar na kung tawagin ay Holiday Hills. Nag-aapura sila. Baka wala nang mahabol kapag nasa Malacañang na si Villar. Pero bakit walang sangay ng pamahalaan na nakikinig sa kanila? Pati media ay hindi sila iniintindi. Power of money. Sana, kung makakagastos ang presidentiable ng bilyong piso para sa “cover-up” itulong na lang ito sa mga biktima upang matamo nila ang hustisya. Kapos sa suporta ng media ang mga biktima. Naalala ko ang nabasa kong pahayag ng isang media executive sa Amerika noong unang panahon sa isang pagtitipon ng mga journalists. Si John Swinton ay chief of staff ng bantog at prestihiyosong New York Times. Nasindak ang marami sa pahayag niya:
“There is no such thing as an independent press. There is not one who dares to write honest opinion and if one did, it is likely not to appear in print. I’m paid weekly for keeping my honest opinion out of the paper I am connected with. Others are paid similar salaries for similar things, and anyone who would be so foolish to write honest opinions would be out on on the street looking for another job. If I allowed my honest opinion to appear in my newspaper, before twenty-four hours my occupation would be gone. The business of the journalist is to destroy the truth; to lie outright; to pervert, vilify; to fawn at the feet of mammon, and to sell his country and his own race for his daily bread. You know it and I know it, and what folly is this toasting an independent press? We are tools and vassals of rich men behind the scenes. We are the jumping jacks, they pull the strings and we dance. Our talents, our possibilities and our lives are all the property of other men. We are intellectual prostitutes.”
Mga katoto sa media, sounds familiar?
- Latest
- Trending