^

PSN Opinyon

BITAG sa LuzViMin, inihahanda na!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG malaking paghahanda ang ikinakasa ng BITAG na magsisimula ngayong buwan na ito.

Maglalakbay ang aming grupo mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao upang tugunan ang mga panawagan ng ating mga kababayan na may kinalaman sa kanilang mga sumbong.

Ngayon pa lamang, sa kolum na ito, ipinaaalam na namin sa mga tinaguriang BITAGers o ‘yung mga panatiko ng aming programa sa buong bansa na mag-text, mag-e-mail o tumawag sa aming tanggapan.

Ito’y hinggil sa mga iregularidad at ilegal na gawain sa inyong mga probinsiya. Ipaalam at makipag-ugnayan sa amin upang maberipika ang inyong sumbong.

Bahagi ito ng pagpapalawak ng puwersa ng BITAG at pagtugon sa karamihan ng aming mga tagasubay-bay sa malalayong probinsiya na hindi lamang pang-Metro Manila ang BITAG.

Mga sumbong na may kinalaman sa panloloko, pang­gagantso, panlalamang o pandedenggoy.

Mga modus sa lansangan na maaaring hindi napapansin ng karamihan subalit araw-araw na nagaganap sa inyong paligid.

Gawain man ng sindikato na sumisira sa lipunan at pumeperwisyo sa maraming tao.

Paninira man ng kalikasan o pambababoy sa likas na yaman na dapat nang tuldukan.

Pang-aabuso ng mga nasa otoridad at maling proseso ng kanilang batas. Pang-aapi, pambubugbog ng walang kadahilanan at katuwiran sa mga pobreng mamamayan.

Anuman ang maging sumbong, basta’t nakararami ang apektado at ikasisira ng lipunan ang dulot, may katapat na itong patibong.

Abangan ang paglilibot ng BITAG at pagpapakalat ng aming mga undercover.

ABANGAN

ANUMAN

BAHAGI

IPAALAM

LUZON

MAGLALAKBAY

METRO MANILA

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with