^

PSN Opinyon

Umaarangkada na si Gibo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NASA pangalawang puwesto na si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro sa survey na isinagawa ng Campaign and Images Group nitong nakaraang mga araw. At dapat lang bigyan pansin si Gibo ng mga kalaban niya dahil dahan-dahang umaangat di tulad ni LP presidential bet Noynoy Aquino na bumubulusok. Sa survey result na inilabas ng Campaign and Images Group, nakakuha ng 24 percent si Gibo na halos pitong puntos lang ang layo sa kalamangan ni NP bet Manny Villar. Siyempre, natuwa si Gibo sa resulta ng survey at nangako na pag-igihin pa ang kampanya niya sa mga probinsiya at Metro Manila para maungusan si Villar. Lalong sisipagin si Gibo dahil mismong ang asawa ni Villar na si Las Piñas Rep. Cynthia Villar ay nagsabing kung hindi tumatakbo ang esposo niya, si Gibo ang iboboto niya dahil kuwalipikado sa lahat ng katunggali.

Ang Campaign and Images Group ay pinondohan ng mga negosyanteng taga-US at UK na nakabase sa bansa. Hindi ko masabi na me kinikiligan sila. Ang survey ng Campaign and Images Group ay gagalaw kahit walang kandidatong mag-commission nga ng survey nila. Di tulad ng SWS at Pulse Asia na kailangang maglagak ka ng pondo para umandar sila. At kapag kinuha mo ang serbisyo ng SWS at Pulse Asia kapalit ng pera, tiyak bibigyan ka ng mga advance info para makagawa ka ng paraan para matandaan ka sa mga survey area na pupuntahan ng mga researcher nila. Kaya hindi patas ang laban sa SWS at Pulse Asia.

Ayon sa Campaign and Images Group, aabot sa 5,000 ang respondents ng survey na isinagawa nila sa buong bansa. At ang lumabas ay 31 percent ang kay Villar, 24 percent kay Gibo, 20 percent kay Noynoy at 13 percent kay Erap. Siguro nakarating sa kaalaman ng kampo ni Noynoy ang resulta ng survey dahil halatadong nagpa-panic na ang kampo niya. Kasi nga pati si Kris Aquino at asawang si James Yap pati na rin ang anak nila ay sumasama na sa mga campaign sorties ni Noynoy. Pati ads ni Noynoy ay pilit ibinabalik ang magandang alaala ng nanay na si Cory na yumao na. Hindi naman kaila na ang sangkatutak na miron na sumipot noong ilibing si Cory ang nagtulak kay Noynoy para tumakbo sa elections.

Tama ang hula ng mga kausap ko na sa darating na Mayo, ang maglalaban sa pagka-presidente ay sina Gibo at Villar. ‘Yan ay kahit nangunguna si Noynoy sa survey ng SWS at Pulse Asia na sa tingin ng mga kausap ko at pang-condition lang sa isipan ng mga botante. Sa tingin ng mga kausap ko, lalampasan na ni Gibo si Villar kapag umandar na ang makinarya ng LAKAS-Kampi-CMD sa pag-umpisa ng kampanya para sa mga local na kan­didato sa Marso 26. Abangan!

ANG CAMPAIGN AND IMAGES GROUP

CAMPAIGN AND IMAGES GROUP

CYNTHIA VILLAR

GIBO

GILBERT TEODORO

JAMES YAP

NOYNOY

PULSE ASIA

SURVEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with