'Au revoi mon amour...' (Goodbye my love)

Near, far, wherever you are I believe that the heart does go on. Once more you open the door and you’re here in my heart and my heart will go on and on. We’ll stay forever this way you are safe in my heart and my heart will go on and on.”

Ito ang mga linyang hango sa kantang ‘My heart will go on’ ng blockbuster heat na pelikulang Titanic.

Ito ang naging sanhi ng pag-iibigan ng isang Pinay at isang French National. Ganito rin kaya matatapos ang kanilang love story o mauuwi ito sa paraiso sa ‘never never land’? 

Si Liza Lacanal, 21 taong gulang, isang ‘singer’ ay nagsadya sa amin upang isumbong ang umano’y panlilinlang sa kanya ng kinakasama niyang Frances. Dating ‘lead vocalist’ ng mga banda sa China si Liza o ‘Isang’.

Labing pitong taong gulang pa lang itong si Isang ng magsimula siyang kumanta sa mga five-star-hotels sa Sheh Zhen, China.

Ilan sa mga bigating hotels na kanyang kinakantahan ay ang 999 hotel, Conifer Hotel at Guan Zhou Pearl Garden Hotel.

Trabaho ni Isang mag-‘entertain’ ng mga foreigners na umiistambay sa bar ng hotel. Isa sa kailangang niyang gawin ay ang makipagkwentuhan sa mga bakasyunistang ito pagtapos niyang mag-‘perform’.

Isang gabi, habang kumakanta siya ng ‘My heart will go on’, napansin niya ang isang French National na nasa isang sulok ng bar.

Matangkad, matipuno at ‘blue eyes’ ang French na ito. Maliban sa mga katangiang kaakit-akit na iyan napansin ni Liza ang luhang pumapatak sa mapupungay na mata ng Pranses sa tuwing siya’y kakanta.

Nilapitan niya ang misteryosong lalaking ito na nakilala niya sa pa­ngalang Jerome Gaillard, 32 taong gulang isang ‘business man’ ng mga ‘furniture’ sa France.

Kasama ni Jerome o “Tom” ang kaibigang French na tumatayong ‘interpreter’ nito sa tuwing mag-uusap sila ni Liza.

Hindi man masyadong magkaintindihan ang dalawa dahil hindi sana’y sa salitang Ingles si Tom halatang nabighani si Jerome kay Isang.

Maliban sa may kaakit akit na tinig itong dalaga’y may kakaibang gandang taglay ang ‘Pilipina singer’.

Nagpalitan ng e-mail address ang dalawa. Iba’t ibang foreigners na ang nakausap ni Isang, may Hapon, Intsik, German at iba pang lahi. Hindi ito ang unang beses na may nagtanong ng kanyang email kaya’t nung una’y hindi niya pinansin si Tom.

Nang bumalik sa France si Tom nagulat nalang si Isang ng mag-send ito ng mga emails. Naka-attached dun ang lahat ng mga ‘stolen shots’ ni Tom sa kanya habang bumibirit siya sa pagkanta.  

“Hangang-hanga sa akin si Tom nun. Dinaig niya pa ang isang avid fan sa pangangamusta sa akin sa email, mula noo’y hindi na niya ko tinantanan,” sabi ni Isang.

Pinagtapat ni Tom na gusto niya si Isang. Iba si Tom sa mga nakilala niya. Hindi umano siya tinantanan nito sa pagpapadala ng mga message.

Romantiko, maalalahanin at matiyaga si Tom sa kanyang panunuyo kay Liza.

Naging magkasintahan ang dalawa. Patuloy ang komunikasyon ni Tom kay Isang sa kabila ng kanilang ‘long distance relationship’.

“Barok man ang mga English ni Tom sa akin sa email, walang mintis siyang nangamusta’t maglambing sa akin. Kinikilig ako kapag nababasa ko angje t’aime!’ mahal kita sa salitang tagalog,” kwento ni Isang.

Para patunayan pa ni Tom ang pagmamahal kay Isang, nag-aral siya ng ‘English Language’ sa pinakamalapit na eskwelahan sa kanilang lugar sa France ng sa ganun ay lubos silang magkaintindahan.

June 2007, bumalik sa China si Tom. Ang unang pakay niya ay makita si Isang. Tumuloy siya ulit sa Guan Zhou Pearl Garden Hotel kung saan kumakanta si Isang. Inaabangan niya ang ‘song number’ ni Isang. Request naman palagi ni Tom ang kantang My heart will go on.

Sa pagkakataong ito, nakangiti na si Tom habang pinanonood si Isang. Si Isang naman diretso na sa table ni Tom.

Simula nun parati ng sinasama ni Tom si Isang sa kanyang mga ‘business meetings’ Pinasyal siya ni Tom sa Beijing at sa iba’t ibang ‘cities’ sa China.

 Isang gabi ng sila’y lumabas na mag-date sa gitna ng mga “wine and kisses” nagpaubaya itong si Liza sa matangkad, maputi at blue-eyes na Frances at hinayaan niyang dahan-dahan siyang inihiga sa kama.

“Totoo pala yung sinasabi nilang masarap humalik ang mga Frenchmen. Gentle siya sa kanyang mga kilos. Para kaming sumasayaw lamang at hinayaan ko siyang dalhin ako sa himig ng pag-ibig,” kwento ni Liza.

Halos hindi na sila naghiwalay gabi-gabi. Sinasamahan siya sa kanyang trabaho sa hotel at pagkatapos nun at magpapalipas na sila ng gabi sa bisig at yakap ng isa’t-isa.

Matapos ang tatlong buwan silang magkasama at walang takot at pigil na ibinigay ang lahat sa isa’t-isa nabuntis si Liza.

Ipinaalam naman ni Liza ito sa Frances,“Tom, je’suis enseinte! (Tom, Buntis ako!) ” wika ni Isang kay Tom.

Malugod naman tinanggap ni Tom ang balita na magiging ama na siya. Lagpas treinta anyos na siya at gusto na rin niyang magkaroon ng anak.

ANG KWENTO ni Liza ay hindi nag-iisa. Marami sa ating mga kababa­yan ang naghangad na magkaroon ng asawang banyaga. Kung minsan nga kahit matanda na basta’t mibibigay ang kanilang pangangailangan at makakatulong sa pamilya dito sa Pinas.

Bukod sa European ang kanyang fiancee o boyfriend, bata pa rin ito at gwapo. Para bang wala ng hahanapin pang iba itong si Liza o nanaisin sa kanyang buhay.

Mula sa pagkanta gabi-gabi sa hotel malapit na rin siyang maging misis Galliard. Pangako nitong si Tom na aayusin niya ang lahat ng papeles ni Liza at ng kanilang magiging anak upang maisama sa France.

ITO NA KAYA ang langit sa lupa na inasam-asam ni Liza sa kanyang buhay? Tuluy-tuloy na kaya ang ligaya nadarama niya at sa wakas ang hangarin niyang maiahon sa pagkahirap ang kanyang pamilya at pati na rin ang sarili ang magaganap na?

ABANGAN ang mga susunod na kaganapan sa seryeng ito sa Miyerkules. EKSKLUSIBO, dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landLine ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

 Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

Email address: tocal13@yahoo.com

Show comments