^

PSN Opinyon

Eto na naman tayo ukol sa sirena!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ETO na naman tayo, parang sirang plaka! Huhulihin daw ng PNP ang mga sasakyan ng mga kandidato na gumagamit ng mga sirena, wangwang at blinkers habang nangangampanya. Mga kandidato lang? Akala ko ba may batas na nagbabawal sa paggamit ng mga sirena at blinkers ng mga hindi awtorisadong sasakyan? Ayon sa Presidential Decree 96, tanging mga markadong opisyal na sasakyan lamang ang maaaring gumamit ng mga sirena at ilaw, tulad ng mga sasakyan ng pulis, bumbero, ambulansiya, NBI, LTO, BFP at AFP. Kasama na ang sasakyan ng President, Bise-Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice. Ilang sasakyan sa isang araw ang nakikita ninyong gumagamit ng mga sirena at ilaw, na hindi naman kasama sa mga nabanggit ko? Marami.

Kaya huwag na lang magpahayag ang PNP na manghuhuli na naman sila ng lumalabag sa PD 96. Wala nang naniniwala sa PNP o kung sino pang ahensiya pagdating sa PD 96. Sa umpisa lang iyan, at pili pa! Mga malalakas sa administrasyon ay hindi naman pinapansin. Ilang maya­yabang na pulitiko at opisyal ng gobyerno, pati na mga miyembro ng PNP at AFP ang nakikita araw-araw?! Mga umaahas-ahas pang mga hagad sa kalye para tumabi ang mga ordinaryong mamamayan. Hindi ba PNP ang mga hagad? Mga maaangas at mayayabang na escort at bodyguard na akala mo mamamatay na ang binabantayan nila kapag natabihan mo lang sa kalye! Ilang beses ko nang pinupuna iyan sa radyo, sa TV, sa diyaryo. Wala rin!

Matutuwa talaga ako sa magiging presidente ng Pilipinas na magpapakita na ng political will ukol sa isyung ito. Sawang-sawa na ang mamamayan sa mga abusado sa kalye. Meron diyan, ni hindi naman opisyal ng gobyerno o pulitiko, mayaman lang! Ikatutuwa ng mamamayan ang presidente na makatatanggal sa masamang kaugalian na ito. Ikatutuwa ng mamamayan kung pantay-pantay ang taumbayan. Ang mahirap, sa kalye pa lang, may abusado at bastos na. Paano pa kaya kung malaking halaga ng pera na ang pinag-uusapan?

AYON

BISE-PRESIDENTE

CHIEF JUSTICE

HOUSE SPEAKER

IKATUTUWA

ILANG

PRESIDENTIAL DECREE

SENATE PRESIDENT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with