^

PSN Opinyon

Muntik nang magkabarilan sa MPD-Police Station 3

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KUNG nagningning sa paningin ng Manileños ang Manila Police District headquarters sa panunungkulan nina Gen. Avelino Razon at Gen. Roberto “Boysie” Rosales, mabibigla ang lahat dahil mas hinigitan pa yata ni Chief Supt. Rodolfo Magtibay ang pagbabago ng gusali at kapaligiran. Sa kasalukuyan patuloy ang pagpipintura sa interior ng headquarters upang lalong tumingkad at lumutang ang pagiging historical marker ng Philippine National Police. Ayon kina Deputy District Director for Operation SSupt. Fidel Posadas at District Directorial Staff SSupt. Alejandro Gutierrez nais umano ni Magtibay na ipagwagwagan sa lahat ng kapulisan sa buong bansa na ang MPD headquarter ang kauna-unahang himpilan ng pulisiya na itinatag noon ng mga Amerikano. Kinilala ang Manila sa lahat ng sulok ng mundo kung kaya binansagan ito na “Where Manila’s Goes Nation Goes”. At dahil diyan lalong pinag-ibayo ni Magtibay at ng kanyang mga staff ang pagpapanauli ng gusali upang buhayin ang kagandahan nito ng sa gayon ay maitala ito sa talaan ng National Historical Institute. Sa ngayon, kino-construct ang dancing fountain sa bukana ng headquarters upang maging kaaya-aya sa mga dumaraan. Hindi basta-basta mabubuo ang mga fountain kung wala ang tulong financial nina Supt. Nelson Yabut ng Police Station 3 (PS3) at Supt. Rogelio Rosales ng PS11.

Naging matingkad naman ang Lapida este karatula ng MPD matapos na ipagawa ni Supt. Ernesto Tendero ng PS2. Ganyan sa ngayon ang kalakaran sa MPD, tulung-tulong ang mga opisyales sa paggastos upang maging maayos at kaayaaya sa Manileños. Sa ngayon walang bukambibig sa Manilas Finest Brotherhood Association kundi ang kabutihan at kasipagan ni Magtibay kaya hinihikayat nila ang mga miyembro na baguhin na ang bulok na sistema.

Subalit mayroong hindi kuntento sa pamamalakad ni Magtibay. Ayon sa aking espiya muntik na umanong magbarilan si Chief Insp. Alex Navarette, deputy commander ng PS3 at ang nagpapakilalang bagman umano ni Yabut na si Mike Pornillos. Alam ba ninyo kung bakit? Nag-away ang dalawa matapos ipahuli ni Navarette ang mga bookies at video karera sa nasasakupan ng PS3 na ikinagalit ni Pornillos. Mukhang mas may kapangyarihan pa si Pornillos kaysa kanyang higher officer dahil walang nagawa si Navarette nang palabasin ng kulungan ang lahat ng mga nahuling bookies personnel at mananaya.

Gen. Magtibay, pakiimbestigahan mo ang insidente na ito. Kung patuloy na mananaig ang kapangyarihan ni Pornillos sa kaharian ni Yabut tiyak na masisira ang lahat ng balakin mong pagbabago sa MPD. Ayon pa sa mga nakausap ko, tama lamang ang naging hakbang ni Navarette na paghuhulihin ang mga sugalan sa PS3 upang mailigtas sa pagkagumon ang mga kabataan. Mukhang binabawi ni Pornillos sa mga pasugalan ang ginastos ng kanyang amo sa PS3. Ayon pa sa aking mga espiya, si Pornillos ang nagpapakalat ng mga video karera sa Elias St at sa ibang tagong lugar sa nasasakupan ng PS3 kaya labis ang pagkairita nito sa naging aksyon ni Navarette. Abangan!

ALEJANDRO GUTIERREZ

ALEX NAVARETTE

AVELINO RAZON

AYON

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

MAGTIBAY

NAVARETTE

PORNILLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with