Kuryente, tataas
HINDI na mapipigilan ang pagtaas ng singil ng kuryente ng Manila Electric Company sa mga susunod na araw kaya naman ngayon pa lang ay umaalma na ang mga MERALCO consumer.
Sabi nga, left and right na ang kamot sa ulo!
Teka nga pala naibalik na ba ang refund ng MERALCO sa mga consumrer nila.
Mukha hindi pa ata!
Hindi pa tapos ang refund payment ng MERALCO eto’t itataas na naman ang singilang blues.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagtaas daw ng singil ng MERALCO ay pang bigay umano sa ikinakampanya nilang pulitiko?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Abangan.
* * *
On line jai-alai bubuksan na
MALAKING pera ang pinang-ayos para mabuksan ang jai - alai dyan sa Cagayan.
Sabi nga, online game!
Kakalat sa buong Philippines my Philippines ang nasabing sugal kaya naman tuwang-tuwa ang mga nagsabwatan dito na mabigyan ng permiso ang jai-alai na matagal ng kinontra noon pang panahon ni dating President Ferdinand Marcos dahil basang - basa ng mga bataan ni Apo Ferdie ang grabeng dayaan dito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hundred of millions ang perang kumalat para sa permit daw nito kung mayroon man.
Ano kaya ang masasabi dito ni Atong Ang?
Dahil sa grand opening ng online jai-alai tiyak ang mga video karera gambling lords ay mag-iiyakan.
Abangan.
* * *
BIR North Quezon City
KAYA pala grabe as in grabe mangharbat ang mga bugok sa BIR North Quezon City ay pinababayaan lamang ng kanilang Regional Director ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ang sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahilig daw kasing maglaro ng golf ang RDO ng BIR North Quezon City kaya kahit may pasok ay umaalis ito para maglaro.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the last time around (Friday) ay nagpunta ito sa Davao after ng kick-off ng tax collection na ginawa sa Trinoma para lang maglaro ng golf doon.
Big-time pala si Mr. RDO sa Davao kung mag-golf.
Ano kaya ang masasabi ng Civil Service Commission tungkol dito kapag nakarating ang complaint sa kanila dahil may pasok nga naman sa office si Mr. RDO noon Biernes akalain mo sumakay pala ito ng eroplano via Davao at naglaro ng golf todits.
May kasabihan ang mga gurang kapag wala ang pusa tiyak maglalaro ang mga daga.
Kaya ang sinasabing Davao Mafia ay humahataw!
Ano sa palagay mo alyas sopi (piso) aa...ito kasi ang tawag ng mga binabakalan ng taong ito na nagiiyakan.
Sabi nga, bagman!
May magandang pasalubong ang mga kuwago ng ORA MISMO, dyan sa mga bugok sa BIR North Quezon City abang-abangan ninyo lang.
Sabi nga, maraming makakasuhan!
Abangan.
* * *
Pressure of the President
ESTE mali pleasure pala of the GMA ang pagtalaga sa ‘mistah’ nito na si General Delfin Bangit.
Sangkatutak ang nagtaas ng kilay ng pangalanan ni Gloria si Delfin na pumalit kay CSAFP General Ibrado.
Tired este mali last day na kasi si Ibrado tomorrow sa military service kaya naman si Delfin na paboritong sundalo ni GMA ang ipinalit kahit na nakikiusap ang ilang pulitiko na huwag munang paghubarin ng military uniform si Victor hanggang hindi pa tapos ang May 2010 election.
Sabi nga, baka kasi magamit ang militar sa election.
Ika nga, magkaroon ng dayaan?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa ginawa yesterday ni GMA para kay Bangit sana huwag naman daw masulsulan na si Boysie Rosales ang ipalit kay Jess Verzosa bilang CPNP dahil sa December 25 pa magre-retiro ang huli.
Baka daw kasi magkaroon ng hokus pokus pagdating sa bagong appointment ni Boysie?
Wait and see!
- Latest
- Trending