^

PSN Opinyon

Walang silbi ang hawak na ebidensiya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Huling Bahagi)

NAGLABAS ng kautusan ang DOLE Regional Director noong Agosto 26, 2005, pinagbigyan nito ang petisyon ng MSC at binawi ang pagkakarehistro ng SMMSC. Inalis ang pangalan nito mula sa listahan ng mga akti-bong union. Ang utos ay binawi ng Bureau of Labor at sinuportahan ito ng Court of Appeals.

Kinuwestiyon ng MSC ang desisyon ng CA. Pinipilit nito na dahil sa pagtanggal ng 102 empleyado, hindi nakatupad ang SMMSC sa kondisyon ng batas na 20% ang dapat na miyembro. Tama ba ang MSC?

Mali. Sa pagtanggap ng ebidensiya, ang pinahaha­lagahan ay ang una at orihinal na salaysay. Dapat munang pag-aralan kung ang salaysay ay ginawa bago isinumite ng unyon ang petisyon nito upang magparehistro bilang isang lehitimong unyon. Kinikilala ang kusang-loob na paggawa ng salaysay kung ipinasa ito bago pa man marehistro ang unyon. Kung ginawa ang salaysay mata­pos marehistro ang unyon, ipinagpapalagay na napilitan lamang at hindi kusang-loob ang paggawa nito. Ang dahilan kung bakit hindi kinikilala ang pangalawang salaysay ay dahil sekreto pa sa kompanya ang pangalan ng mga kasapi ng unyon noong unang magparehistro ito. Natural na kusang-loob ang paggawa ng unang salay-say ngunit hindi ang pangalawa.   

Matapos maisumite ang petisyon upang maparehis-tro ang unyon, hindi na sekreto sa kompanya ang panga­lan ng mga empleyadong kasapi ng unyon dahil naka-sulat ang pangalan nila sa petisyon. Hindi na nakaka­pagtaka kung gumawa ng paraan ang kompanya upang bawiin ng empleyado ang suporta nito sa unyon.

Sa kasong ito, ginawa ng mga empleyado ang sa­ laysay tungkol sa pagtiwalag nila sa unyon matapos na maha­yag na sa lahat ang pagiging kasapi nila o matapos na mag­­petisyon sila upang mag­ ka­roon ng eleksyon sa kom­pan­ya. Natural lamang na ipagpa­lagay na naim­plu­wen­siyahan sila ng kom­panya at da­pat lang pagdu­dahan ang sa­laysay na ka­nilang ginawa.

Nakahanda na agad ang mga salaysay at halos iisa ang nilalaman, ang tungkol sa pagbawi ng mga emple­ yado sa suportang binigay nila sa unyon, maituturing na walang silbi ang ebidensi­yang ito at ginawa lamang para sa pan­sariling interes ng kompanya.

Kahit sabihin pa na totoo ang mga salaysay na ito at talagang binabawi na ng mga empleyado ang suporta nila sa unyon, hindi pa rin maita­tanggi ang katotohanan na nang unang magsumite ng petisyon upang magpare­his­tro ang unyon ay lampas pa sa 20% ang miyembro nito. Dapat lamang panindigan ang legalidad ng nasabing unyon.

Hindi hinihingi ng batas (Article 234) na dapat ma­na­tili ang 20% kondisyon sa lahat ng panahon (Mari­wa­sa Siam Ceramics vs. Secretary DOLE et. al., G.R. 183317, Dec. 21, 2009).

BUREAU OF LABOR

COURT OF APPEALS

DAPAT

HULING BAHAGI

NITO

SHY

UNYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with