^

PSN Opinyon

Magiging matatag ang bagong Erap administration

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking panganay na anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay kumpiyansang matatag ang magiging bagong administrasyon ni Presidente Erap sa bisa ng inaasahang panalo niya sa May 10 election.

Ayon nga kay Erap, walang basehan ang sinasabing pangamba na baka sa kanyang muling panunungkulan bilang presidente ay manggapang at magsabwatan na naman ang kanyang mga kritiko upang yanigin ang kanyang administrasyon at pabagsaking muli.

Matatandaang lumutang ang naturang pangamba kasunod ng pag-amin ni dating Securities and Exchange Commission (SEC) chairman Perfecto Yasay na isa siya sa mga nagamit na instrumento ng ilang grupo upang agawin ang posisyon ni Erap. Ang pag-amin ni Yasay ay dagdag na pagpapatibay sa noon pa alam at bistado ng taumbayan na katotohanan, na ang mga bintang kay Erap, ang impeachment laban sa kanya, ang “walk-out” sa impeachment trial, ang EDSA Dos, ang inapurang pagpapalit ng presidente ng bansa at ang iba pang kaugnay na pangyayari ay mga bahagi ng grand conspiracy laban sa Erap administration.

Malinaw naman kasi sa lahat na ang mga corrupt na pulitiko at mga elitista ay nasagasaan noon ng mga makabayan at maka-mahirap na polisiya ng itinuring na Ama ng Masa kaya’t nagtulong-tulong ang mga ito upang pabagsakin siya.

Kaya’t sa inaasahang pagbabalik ng Erap administra-tion ay wala nang mga katulad ni Yasay na malilinlang, mapapaikot at magagamit ng mga corrupt politician at elitistang grupo upang mu- ling tangkaing yanigin ang pamahalaan.

Dahil dito, tiyak nang mag­tutuloy-tuloy ang magagan­dang mga ideya, plano at pro­grama ni Erap para sa pagpa­paunlad ng buhay ng mga Pi­lipino laluna ng mga mahihi­rap nating kababayan.

Ang kapangyarihan ay kailangan nang bawiin mismo ng taumbayan sa pamama­gitan ng darating na eleksyon, at protektahan upang hindi na muling maagaw ng mga tao at grupo na tanging pansa­riling interes lang ang ini­intindi. Si Erap ay pursigi-dong ituloy at lalo pang pag-ibayuhin ang paglilingkod sa bayan.

vuukle comment

AYON

ERAP

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

PERFECTO YASAY

PRESIDENTE ERAP

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

SHY

SI ERAP

YASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with