^

PSN Opinyon

Unilab vs Pfizer: David at Goliath

- Al G. Pedroche -

NAKAKABILIB ang United Laboratories (Unilab), local na tagagawa ng gamot. Matapang nitong sinasagupa ang dambuhalang multinational firm na Pfizer sa layuning maibaba pa ang halaga ng gamot.

Siguradong maraming mamamayan ang magpapa­lakpakan sa court battle na ito lalu na yung mga apek-tado pa rin ng mahal na gamot. Ang isyu kasi ay bina­bawalan ni “Goliath” si “David” na gumawa ng mas murang version ng gamot.

May hawak na patent si “Goliath” sa ilang uri ng gamot na ginagawa at ibinebenta sa presyong hindi abot-kaya ng mga mahirap. Siya lang daw ang may ekslusibong karapatang gumawa ng mga ito. May low-cost version si “David” pero umalma si “Goliath”. Inatasan ni “Goliath” ang malalaking drugstores na huwag ibenta ang mga gamot ni “David” (or else madedemanda sila). Ngunit nag-rule na ang Korte na pabor kay “David.” Puwede nang ibenta ng Unilab ang mas murang gamot nito.

Kaya hahamunin ni “David” sa Korte ang iba pang mga patent ni “Goliath.”

Magsasampa ang Unilab ng ilan pang patent invalidation cases para sa anti-cholesterol medicine na Lipitor ng Pfizer. Bukod ito sa naisampa na ng Unilab laban sa patent sa paggawa ng Atorvastatin na ginagamit ang amorphous form. Mura ng di hihigit sa 30% ang halaga ng Avamax sa Lipitor ng Pfizer,

Ibinasura ng Makati Regional Trial Court ang hinihi-ngi ng Pfizer na preliminary injunction upang pigilin ang Unilab at Therapharma na magbenta ng Avamax. Ang patent kasi ng Pfizer ay may taning na panahon at nawa­walan ng bisa sa takdang panahon. Inamin ng ilang tes­tigo mula mismo sa Pfizer na saklaw ang patent ng Lipitor   ng ibang patent na nawalan na ng bisa.

Kung magtagumpay ang Unilab sa laban sa crystal- line form ng Atorvastatin, makaka­bili na ang mga ma­hihirap ng mas murang ber­ syon nito. Mas mura kasi at madaling makuha ang mga hilaw na sangkap na ga­ga­mitin ng Uni­lab para sa chea­per version nito. Higit na mura kaysa amor­phous form ng Avamax ng Pfizer. Bukod diyan, inaa­sa­hang dadami ang generics kung makakansela ang patent ng crystalline form at magbibi­gay daan upang higit na mag­­bukas ang mer­ka­do ng atorvastatin sa iba pang mga generic players.

AVAMAX

LIPITOR

PATENT

PFIZER

SHY

UNILAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with