^

PSN Opinyon

Balut, sikyo at traysikel

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Ok din naman itong Party-List system. Dahil dito’y naki­nabang ang bayan sa mga mahusay na party list nominee na nakikibahagi sa pagtalakay sa mga mahalagang usaping panlipunan. Sa pagkatao nina Masa, Ocampo, Hontiveros, Rosales, Casino, Noel, Sarmiento, Colme­nares, Bello, atbp., naging mas makabuluhan ang debate dala ng kanilang maprinsipyong partisipasyon sa sesyon.

Kung sila lamang ang pagbabatayan, malinaw na tagumpay ang eksperimento ng Saligang Batas sa pag­bigay pagkakataon sa mga sektor na walang kakayahang magwagi sa eleksyon na magkaroon ng kahit kaunting representasyon sa Kongreso ng Bayan.

Ok na sana kung lahat ng Party list Congressmen ay katulad nila. Kaso, ang masaklap na katotohanan ay hindi lahat ay tulad nila. Ang ibang party list nominees ay hindi kasing sigasig at madalas ay nagiging kahihi-yan pa sa mga kasamahan at sa sariling sektor na kinakatawan.

Maraming dahilan kung bakit ganito ang realidad. Subalit tayo’y makasisiguro na malaki ang kinalaman dito ng kakulangan ng COMELEC sa pagpapatupad ng party list law, lalo na sa kwalipikasyon ng nominado.

Ayon sa batas at sa Mataas na Hukuman, “not only the candidate party or organization must represent mar­ginalized and underrepresented sectors; so also must its nominees.” Sa ilalim ng Sec. 2 ng RA 7941, ang mga nominado din ay dapat mismong nanggaling sa “mar­ginalized and underrepresented sectors, organi-zations and parties.” Ang intensyon ng Saligang Batas ay mali­naw: Mabigyan ng tunay na kapangyarihan ang taong bayan, hindi lamang sa pagsiguro ng mas ma­laking bene­pisyo sa ilalim ng batas, kung hindi rin sa pagkakataon na sila mis­mo’y maging mambabatas.

Sa nakaraang Kon­gre­so, maraming pinalusot ang COMELEC. Una na dito ang kapatid ni First Gentleman Mike Arroyo na tuma­yong nominee ng mga mam­ba­ balut. Ngayong 2010, isa na namang kamag-anak  ni Gng. Arroyo ang magpa­pang­gap na ka­wawa at susubukang makalusot habang ang COMELEC ay nakalingat. Si Mikey Arroyo ay magpi­prisintang Tricycle driver at security guard sa kan­yang pagnais na makabalik sa kan­yang naging teri­toryong Kamara.

Kailangang huwag lala­tuy-latoy ang COMELEC, lalo na ngayong medyo ma­taas ang tiwala ng tao sa kanila. Ang partylist sys- tem ay magandang ideya. Sa­yang kung masalaula ito dahil lamang sa kapa-ba­yaan.

AYON

BAYAN

COLME

DAHIL

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GNG

HONTIVEROS

SALIGANG BATAS

SHY

SI MIKEY ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with