^

PSN Opinyon

Sumbong ng mga empleyadong naagrabiyado.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI ang mga reklamong may kinalaman sa pang-aabuso at di-makatarungang pagtrato sa mga empleyado ng mga may-ari ng kumpanya o tinatawag na employer.

Mayroong hindi nagpapasahod ng maayos o wala sa minimum, may isyu ng pagmamalupit o sobrang higpit na hindi na makatao, walang overtime o benepisyo at kung anu-ano pa.

Kaya naman, may ibang empleyado na ang resbak sa di magandang pagtrato sa kanila ng kanilang mga employer, ibunyag ang kalokohan at iregularidad ng kani­lang negosyo.

Isa na rito ay ‘yung segment na naipalabas namin taong 2004 kung saan ibinunyag ng mga empleyado ang kadiring paggawa ng fish cracker. Matatandaan, ipis cracker ang pamagat nito.

Dito, ipinaalam din ng mga empleyado ang pagiging illegal alien ng kanilang mga employer na Taiwanese. Ang dahilan ng kanilang pagbubunyag, di tamang pagpa­pasahod at pagtrato sa mga empleyadong Pilipino.

Kahapon, isang kumpanya ng nagbebenta ng mga paborito nating quail eggs ang gulpi de gulat na binisita ng BITAG kasama ang Business Permit and Licension Office at Sanitation Department ng Quezon City.

Hinggil ito sa sumbong ng mismong mga empleyado ng kumpanya na pilit umanong ipinabebenta sa kanila ang mga bulok na itlog na gagawing kwek-kwek.

Baboy umano ang paggawa o proseso ng ibang pagkaing kanilang itinitinda tulad ng siomai.

Sa inspeksyong ginawa ng mga taga-sanitation division at food and drug regulatory office ng Quezon City, nakitang maraming pag­kukulang sa loob ng warehouse ng pagkain ng na­sabing kumpanya.

At ang may-ari, naa­larma. Agad nagpunta sa tanggapan ng BITAG, nag­paliwanag at umaming mayroon silang pagku­kulang at handang baguhin umano ang kanilang pa-ma­malakad.

Alamin kung ano ang nagtulak sa mga emple­yado na ibulgar ang mga di-kanais nais na aktibi­dades na ito ng kanilang kumpanya.

Buong detalye, ngayong Sabado sa BITAG.

ALAMIN

BABOY

BUONG

BUSINESS PERMIT AND LICENSION OFFICE

DITO

HINGGIL

QUEZON CITY

SANITATION DEPARTMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with