^

PSN Opinyon

Beware the Ides of March

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

ANO ang significance ng Shakespearean quote ni William?

During the short days of March nagbabala ang mga soothsayer na papatayin si Haring bastos este mali Julius Ceasar pala nangyari nga ang pagtigok kay Emperor Julius Ceasar ni Brutus.

Nagbabala ba ang ating mga local na manghuhula kung may kaguluhang mangyayari ngayon March?

 Teka nga, i -text ko muna ang aking paboritong astrologist na si Syzgy.

 Ano naman meron ngayon month of March?

 Sangkatutak ang mga worst case scenarios na lumalabas ngayon regarding sa May 2010 election.

 1st - hindi daw magkakaroon ng full automation porke hindi lahat ng provinces sa Philippines my Philippines ay may inter-sex, este mali internet connection pala particular sa province of Mindanao.

2nd - kulang pa sa computer preparedness  ang mga teacher at technical support na mangangasiwa ng computer elections.

 3rd - signal jammers na mabibili kahit sa sidewalks ng Raon sa Maynila.

 Ang mga jammers na ito ay maaring madiskaril sa takbo ng get smart este mali smartmatic poll machines.

 4th - power crisis dahil daw sa El Niño phenomenon.

Naku ha!

 5th - makinarya ng pangdarambong este mali pangdaraya pala ay hindi pa nawawala.

Ergo, buo pa rin ang sindikato ng election operators kaya sa mga ganitong mga worse scenario ay may kanya - kanyang paghahanda naman daw ang mga major political parties.

Ang Liberal Party ni Noynoy ay nag - show of force noong EDSA 2 anniversary sa teritoryo ni Mar Roxas sa Araneta Center.

 Nagkaroon ng call to arms ang mga yellow Army ng mga Aquino.

Sumablay este mali sumabay pala ang National Party camp ni Manuel Villar sa Mall of Asia.

 Sabi nga, sangkaterbang showbiz at banda ang nag-ingay.

Ayon naman kay Johnny Enrile maaring magluklok ng civilian leader ang Armed Services kung sakaling magkaroon ng ‘failure of elections.’ 

Pasko este mali pasok naman si Pong Biazon ng resolution na dapat ay ang House of the People in joint session ang magtalaga ng government para ‘civilian authority’ pa rin ang mangingibabaw.

 Kung pag-aaralan natin ng malaliman ang mga scenario na ito maaring masabi na may namumuo nga na kaguluhan sa Republic of the Philippines my Philippines.

 Ang gulong ito ay maaring sadness este sadya pala na pinapalutang at may mga contigency plans naman ang ating pamahalaan.

 This coming March 10 tired este mali retired na si Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines my Philippines General Victor Ibrado at dati ng sumisigaw ang ating mga presidentiable na dapat ay mapalawig pa ang termino nito.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, eto daw ay isang stateman like ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para hindi siya maakusahan ng ‘impartiality’ kay CGPA Bangit na miembro ng PMA class of 78.

Ayon sa mga sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ipipilit ni Arroyo si General Bangit bilang kapalit ni Ibrado maaring lumakas ang himala este mali hinala pala na may maitim umanong balak nga si GMA.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si General Bangit ay loyal soldier ni PGMA at kung ito ang magiging Chief of Staff ng AFP ay maaring magamit nga ang buong mundo este sandatahan lakas pala sa election?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, idagdag pa natin si Secretary of National Defense Norberto Gonzales sa usapan matagal ng advocacy ang caretaker government at sinasabi na nito noon ang posibilidad ng isang civilian – military punta este mali junta pala.

 Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas wise decision na nga na mapalawig pa ang term ni Ibrado up to June 30, 2010 dahil uupo ang sinuman magwawaging panggulo este mali pangulo pala ng Republic of the Philippines my Philippines.

 Three months lang ang extension at walang maaring malisya na makikita sa ganitong decision making dahil marami ng precedent cases ng extension ng term ng  CSAFP.

Abangan.

Rolly biyas at Luding sa jueteng

VERY secret pala ang jueteng operation ni Rolly biyas dyan sa San Jose, Mindoro Occidental dahil parang namumulot lamang ito ng P1 million every week mula sa mga manunugal todits.

Ganoon din si Luding ng Baguio nagkakamal ng salapi sa dayaan bolahan na operation niya sa nasabing place.

Ipinagmamalaki ni Rolly biyas na hindi siya puedeng yanigin ng kahit na sinong hudas sa gobierno dahil saradong bata daw siya ni DILG Secretary Ronnie Puno, NBI Director Nestor Mantaring at PNP General Don Montenegro.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dapat sigurong maimbestigahan si Rolly biyas para matanong kung totoo ang kanyang pinagkakalat.

Sabi nga, aminin! 

 Abangan.

vuukle comment

CHIEF OF STAFF

ESTE

GENERAL BANGIT

MALI

PALA

ROLLY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with