Corona hawak ba ng Malacañang?

HALOS sigurado nang magiging Chief Justice si Renato Corona pamalit kay Reynato Puno sa Mayo 17. Malamang siyang piliin ni Gloria Arroyo dahil nagkata-ong (?) pumapanig si Corona sa Presidente sa malala-king usaping legal. Anim ang halimbawa, nito lang na­karaang dalawang taon:

Hello Garci — Sa Frank Chavez v Raul Gonzalez pinas­ya ng Korte Suprema na maari isapubliko ang CDs ng pandaraya nina Arroyo at Virgilio Garcillano ng 2004 presidential elections; nag-dissent si Corona;

ZTE Scam — Sa Romulo Neri v Senate Blue-Ribbon pinasya ng Korte na maari magtahimik tungkol sa krimen kung palihim na pinag-usapan ito ng Presidente; kumatig si Corona sa mayorya.

JPEPA — Sa Akbayan v Thomas Aquino pinasya ng Korte na maari ilihim ng Malacañang ang negosas-yon ng tratado sa Japan ng pagtatambak ng basurang lason sa Pilipinas; kumatig si Corona sa mayorya;

MOA-AD sa MILF — Sa North Cotabato v GRP dinek­larang labag sa Konstitusyon ang pagbigay ng Ma-la­cañang ng teritoryo sa mga separatistang Moro; nagdissent si Corona;

Daniel Smith Case — Sa Suzette Nicolas v Alberto Romulo pinagtibay ng Korte ang Visiting Forces Agreement at maari ipiit ang Amerikanong rape suspect sa U.S. Embassy; kumatig si Corona sa mayorya;

Radstock Scam — Pinahinto ng Korte dahil ilegal ang paglipat ng Malacañang ng P17.7 bilyong assets na pag-aari ng gobyernong PNCC sa British Virgin     Islands shell corporation na Radstock; nag-dissent si   Corona.

Nagkataon nga lang ba ang pagkampi ni Corona sa Malacañang sa mga kon­trobersiyal na isyu o hawak kaya siya ng Malacañang sa ilong? Naitatanong ito dahil ang asawa ni Corona ay appointee ng Malaca­ñang. Mula pa 2007 si Cris­tina Roco Corona ay chairman of the board, president, chief executive officer at chief operating officer ng John Hay Management Corp., na pag-aari ng gob­yerno. Bukod sa malaking suweldo, per diem ay meron siyang pa­kotse at pabahay sa Ba­guio. O di ba?

Show comments