Corona hawak ba ng Malacañang?
HALOS sigurado nang magiging Chief Justice si Renato Corona pamalit kay Reynato Puno sa Mayo 17. Malamang siyang piliin ni Gloria Arroyo dahil nagkata-ong (?) pumapanig si Corona sa Presidente sa malala-king usaping legal. Anim ang halimbawa, nito lang nakaraang dalawang taon:
• Hello Garci — Sa Frank Chavez v Raul Gonzalez pinasya ng Korte Suprema na maari isapubliko ang CDs ng pandaraya nina Arroyo at Virgilio Garcillano ng 2004 presidential elections; nag-dissent si Corona;
• ZTE Scam — Sa Romulo Neri v Senate Blue-Ribbon pinasya ng Korte na maari magtahimik tungkol sa krimen kung palihim na pinag-usapan ito ng Presidente; kumatig si Corona sa mayorya.
• JPEPA — Sa Akbayan v Thomas Aquino pinasya ng Korte na maari ilihim ng Malacañang ang negosas-yon ng tratado sa Japan ng pagtatambak ng basurang lason sa Pilipinas; kumatig si Corona sa mayorya;
• MOA-AD sa MILF — Sa North Cotabato v GRP dineklarang labag sa Konstitusyon ang pagbigay ng Ma-lacañang ng teritoryo sa mga separatistang Moro; nagdissent si Corona;
• Daniel Smith Case — Sa Suzette Nicolas v Alberto Romulo pinagtibay ng Korte ang Visiting Forces Agreement at maari ipiit ang Amerikanong rape suspect sa U.S. Embassy; kumatig si Corona sa mayorya;
• Radstock Scam — Pinahinto ng Korte dahil ilegal ang paglipat ng Malacañang ng P17.7 bilyong assets na pag-aari ng gobyernong PNCC sa British Virgin Islands shell corporation na Radstock; nag-dissent si Corona.
Nagkataon nga lang ba ang pagkampi ni Corona sa Malacañang sa mga kontrobersiyal na isyu o hawak kaya siya ng Malacañang sa ilong? Naitatanong ito dahil ang asawa ni Corona ay appointee ng Malacañang. Mula pa 2007 si Cristina Roco Corona ay chairman of the board, president, chief executive officer at chief operating officer ng John Hay Management Corp., na pag-aari ng gobyerno. Bukod sa malaking suweldo, per diem ay meron siyang pakotse at pabahay sa Baguio. O di ba?
- Latest
- Trending