Parañaque fullspeed ahead!
SA kampanya ng mga pulitiko, pangkaraniwan na ang mga matatamis na pangako. Mga pangakong kapag napako ay taumbayan ay nasisiphayo. Kakaiba itong si Mayor Florencio Bernabe ng Parañaque City. Walang pangako. Aniya “ipinauubaya ko sa taumbayan ang aking kapalaran sa politika. Ang aking mga accomplishments ang mangangampanya para sa akin.”
Sabagay, yung mga punumpuno ng pangako ay yun lamang walang track-record. Yun bang mga bagito at wala pang napapatunayan. Matagal nang alkalde si Jun Bernabe at mayroon nang ibabanderang mga accom-plishments.
Ang tanging pangako (kung matatawag man itong pangako) ni Bernabe ay hindi siya maglulubay, bagkus ay “full speed ahead” ang gagawin niya sa pagsusu-long ng mga development program ng lungsod. Tingin ko naman, kung may napatunayan na, may kredibilidad, di ba?
“We will not stop the momentum,” aniya at sinabing ang nangungunang concern niya ay i-angat ang kalidad ng buhay ng mga taga-Parañaque.
Tinuran ni Bernabe ang pagsigla ng ekonomiya ng lungsod at ang episyenteng paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan. Pero kung umunlad man ang Parañaque, hindi niya sinosolo ang kredito. Aniya, naririyan ang kanyang mga “co-workers” o kamanggagawa mula sa mga tagawalis ng lansangan hang- gang sa mga matataas na ehekutibo. Totoo nga naman na gaano man katalino ang namumuno, kung ang mga nakapalibot sa kanya ay mga tamad ay wala ring mangyayari.
Kapunapuna rin ang mga umusbong na infrastructures sa lungsod gaya ng mga paaralan, at mga health centers sa panahon ng panunungkulan ni Bernabe.
Katunayan, pinuri ng World Health Organization (WHO) sa epektibong programa nito sa pagsug-po ng mataas na kriminalidad, mataas na infant mortality at kakulangan ng tubig sa lungsod.
Ang Parañaque ay gi nawaran noong Enero ng Gawad Kalinga award bilang isang namumukod-tanging local government unit.
Congrats Mayor Bernabe.
- Latest
- Trending