NATUTUWA kami na maging bahagi ng programang Salamat Dok ng ABS-CBN sa loob ng 3 taon. Ang programa ay mapapanood sa Channel 2 tuwing Sabado 6 a.m. at Linggo 7:30 a.m.
Malaki ang naitutulong ng Salamat Dok sa kalu-sugan ng ating bayan:
1. Pagbibigay payo: Bawat episode, nagbibigay impormasyon medikal ang Salamat Dok. Kumukuha sila ng magagaling na guest experts para magpayo at sa-gutin ang tanong ng mga manonood.
2. Medical mission: Bawat linggo, may 200 pasyente ang nagpapatingin sa ABS-CBN garden kung saan sari-saring gamutan ang kanilang natatanggap. Public service ito ng ABS-CBN at walang bayad kaming mga doktor, nars at health workers na tumutulong dito.
3. Health updates: Lahat ng maiinit na balita ukol sa kalusugan ay tinatalakay ni Ms. Pier Pastor, ang segment host ng programa.
Pamumuno ni Ms. Marielle Catbagan:
Ang utak at galing sa likod ng programang ito ay nakasalalay sa Executive Producer, si Ms. Marielle Catbagan. Kaya hindi kataka-taka na ang Salamat Dok ang number 1 health show ng bansa.
Sa pamumuno ni Ms. Marielle Catbagan, sobrang daming parangal na ang tinanggap ng Salamat Dok: 3 Anak TV Awards, 1 Golden Dove Award at 1 USTV Award.
Ngayong Enero 2010, 3 bagong parangal ang tinanggap muli ng Salamat Dok na ikatutuwa ni Ms. Maria Ressa, ang Head of News and Current Affairs Department ng ABS-CBN.
Bagong Host: Ms. Bernadette Sembrano
Sa loob ng 5 taon, si Ms. Cheryl Cosim ang host at nag-alaga sa Salamat Dok. Ngunit sa paglipat ni Ms. Cheryl sa TV-5 bilang senior news anchor, si Ms. Bernadette Sembrano ang papalit sa kanya.
Bagay kay Ms. Bernadette ang programang Salamat Dok dahil sa kanyang public service image. Si Ms. Bernadette ay host sa Umagang Kay Ganda at segment host din ng “Hulog ng Langit” ng TV Patrol, kung saan tumutulong siya sa mga mahihirap na maysakit.
Kahit nalulungkot tayo sa pag-alis ni Ms. Cheryl, ay nani niwala naman tayo na lalong gaganda at lalawak pa ang pro gramang Salamat Dok sa 2010.
Dahil sa kanyang galing, si Ms. Marielle Catbagan ay na-promote din at hahawak pa siya ng 3 programa sa ABS-CBN: Salamat Dok, Umagang Kay Ganda at I Survive. Siya’y papalitan ni Ms. Joan Gonzales, isang batikang Exe-cutive Producer ng ABS-CBN. Congratulations and good luck po sa inyong lahat!