^

PSN Opinyon

Salamat Dok, nanguna dahil kay Marielle Catbagan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NATUTUWA kami na maging bahagi ng programang Salamat Dok ng ABS-CBN sa loob ng 3 taon. Ang pro­grama ay mapapanood sa Channel 2 tuwing Sabado 6 a.m. at Linggo 7:30 a.m.

Malaki ang naitutulong ng Salamat Dok sa kalu-su­gan ng ating bayan:

1. Pagbibigay payo: Bawat episode, nagbibigay im­pormasyon medikal ang Salamat Dok. Kumukuha sila ng magagaling na guest experts para magpayo at sa-gutin ang tanong ng mga manonood.

2. Medical mission: Bawat linggo, may 200 pasyente ang nagpapatingin sa ABS-CBN garden kung saan  sari-saring gamutan ang kanilang natatanggap. Public service ito ng ABS-CBN at walang bayad kaming mga doktor, nars at health workers na tumutulong dito.

3. Health updates: Lahat ng maiinit na balita ukol sa kalusugan ay tinatalakay ni Ms. Pier Pastor, ang segment host ng programa.

Pamumuno ni Ms. Marielle Catbagan:

Ang utak at galing sa likod ng programang ito ay na­kasalalay sa Executive Producer, si Ms. Marielle Cat­bagan. Kaya hindi kataka-taka na ang Salamat Dok ang number 1 health show ng bansa.

Sa pamumuno ni Ms. Marielle Catbagan, sobrang daming parangal na ang tinanggap ng Salamat Dok: 3 Anak TV Awards, 1 Golden Dove Award at 1 USTV Award.

Ngayong Enero 2010, 3 bagong parangal ang tinang­gap muli ng Salamat Dok na ikatutuwa ni Ms. Maria Ressa, ang Head of News and Current Affairs Department ng ABS-CBN.

Bagong Host: Ms. Berna­dette Sembrano

Sa loob ng 5 taon, si Ms. Cheryl Cosim ang host at nag-alaga sa Salamat Dok. Ngunit sa paglipat ni Ms. Che­ryl sa TV-5 bilang senior news anchor, si Ms. Berna­dette Sem­brano ang papalit sa kanya.

Bagay kay Ms. Bernadette ang programang Salamat Dok dahil sa kanyang public service image. Si Ms. Bernadette ay host sa Umagang Kay   Gan­da at segment host din ng “Hulog ng Langit” ng TV Patrol, kung saan tumutulong siya sa mga mahihirap na maysakit.

Kahit nalulungkot tayo sa pag-alis ni Ms. Cheryl, ay na­ni­ niwala naman tayo na lalong gaganda at lalawak pa ang pro­ gramang Salamat Dok sa 2010.

Dahil sa kanyang galing, si Ms. Marielle Catbagan ay na-promote din at hahawak pa siya ng 3 programa sa ABS-CBN: Salamat Dok, Umagang Kay Ganda at I Survive. Siya’y papalitan ni Ms. Joan Gon­zales, isang bati­kang Exe-cutive Producer ng ABS-CBN. Congratulations and good luck po sa inyong lahat!

BAGONG HOST

BAWAT

DOK

EXECUTIVE PRODUCER

MS. BERNA

MS. BERNADETTE

MS. MARIELLE CATBAGAN

SALAMAT

SALAMAT DOK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with