^

PSN Opinyon

Tukso, layuan mo ako!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

PUMASOK na muli tayong mga Kristiyano sa panahon ng Kuwaresma, 40 araw ng paghahanda sa kapistahan ng muling pagkabuhay ni Hesus. Kaya’t ito ang panahon ng ating pagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Muli tayong magbagong-buhay at sumampalataya sa Mabu­ting Balita. “Remember man you are dust and to dust you will return”.

Ito din ang tinatawag nating Migrant’s Sunday, plights of millions of overseas contract workers, migrants and their families. Atin silang ipanalangin sa Panginoon upang sila’y maging ligtas sa anumang panganib sa kanilang mga gawain sa ibang bansa at sa mga barkong nagla­layag sa buong daigdig. Sila ang tinatawag nating dias­pora, ang mga instrumento ng Mabuting Balita.

Sa mga pagbasa ay ipinahahayon sa atin ang pagpa­pahayag ng pananampalataya ang bayang hinirang at nananalig kay Hesus. “Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan.” Sinasabi ng Banal na Kasulatan: “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso”, sapagka’t hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa Kanya.

Tularan natin si Hesus na pinaglabanan ang mga tukso sa panahon ng kanyang pag-aayuno, pagsasakripisyo at lubusang paghahanda ng Kanyang misyon dito sa lupa. Tukso ng diyablo:1. kung Ikaw ay anak ng Diyos iutos mong maging tinapay ang mga batong ito; 2. Ibibigay ko sa Iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng      mga kaharian kung ako’y sasambahin mo; 3. Kung ikaw ay anak ng Diyos ay magpatihulog ka ipagbibilin Ka sa mga anghel, aalalayan ka at hindi ka matitisod sa bato.

Pinaglabanan ni Hesus ang mga tukso: 1. Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao; 2. Nasusulat ang iyong Di­ yos at Pangi­noon ang sa­sam­bahin mo at Siya’y iyong pagliling­kuran; 3. Nasusulat hu­wag mong subukin ang Pangi­noon mong Diyos.

Malapit na naman ang elek­syon sa ating bansa at kakalat na naman ang mga diyablo upang tuksuhin ta­yong mga botante. Mag­papakalat na naman ang milyun-milyong mga diyab­lo ng mga maka-diyablong nagnanasa ng ka­pang­ya­rihan sa ating ban­sa. Ang tangi nating maga­ga-     wa ay paglabanan ang mga tukso na pagagandahin ang ating bayan subali’t hindi ito isa­sakatuparan. Magdasal tayo tuwina at humingi ng li­wanag sa Espiritung Banal upang ihalal natin ang tu­nay na magpapaunlad sa ating naghihirap na bayan.

Dt26:4-10; Salmo90; Rom 10:8-13 at Lk4:1-13

DIYOS

ESPIRITUNG BANAL

HESUS

MABUTING BALITA

MALAPIT

NASUSULAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with