^

PSN Opinyon

RFID money 4 election?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGTATAKA ang madlang people sa Philippines my Philippines kung bakit up to now ay dehins pa binabalik ng Land Transportation Office at ng Stradcom ang pitsang nakulimbat nito este mali nasingil pala sa mga vehicle owner na puersahan kinabitan ng Radio Frequency Identification Device kahit na may order ang Supreme Court at malakanin este Malacañang pala na isauli ang pera sa mga pobreng alindahaw.

Kaya naman dahil sa pagbabalewala ng LTO at Stradcom sa kautusan binabatikos tuloy ng transport group sila at ready pa silang gumawa ng pag-aaklas dahil ibinabalita na next year na lamang nila ibabalik ang pera ng mga pobreng alindahaw.

 Kaya naman may ibang pumasok sa utak ng mga inapi na baka ang pitsang ibinayad nila ay gagamitin for election this coming May kaya next year na lamang ito ire-refund.

 Naku ha!

 Bakit ganito?

 Mukhang walang ngipin ang SC at Malacañang dahil ayaw sumunod ng LTO sa order nila.

 Kung ganito ang mangyayari sino ngayon ang dapat paniwalaan ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang grupong Bangon Transport at Progress and Reforms Oriented Transport Organization Network Inc., kinaka-ilangan ibalik ang pitsang nakuha dahil dehins naman na­ipatupad ang proyekto at dehins din napakinabangan.

Ang ano?

Kamote, RFID fee!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit parang abogado ang dating ng LTO sa- Strad-com Corporation dahil matindi nilang ipinagtatanggol kasi nga naman ang dapat na mag-refund ng RFID fee dahil ang huli ang naningil sa mga vehicle owner.

Mayroon palang mga 90,000 motorist sa Philippines my Philippines ang humihingi ng refund ngayon sa Strad-com Corporation matapos iutos ng Malacañang.

Kamakailan sinabihan ng Korte Suprema ang LTO na stop asking money regarding sa RFID fee kasi nga kinampihan ang petition ng Piston, Anak-pawis, Bayan Muna at Gabriela dahil ito ay ilegal at hindi dumaan sa bidding bukod pa sa hindi aprubado ng NEDA.

‘Ano ba ito?’ sabi ng kuwagong binukulan.

‘Ano pa ang silbi ng SC kung ayaw silang sundin?’ Anang kuwagong fixer.

‘Dapat silang i-contempt kapag ganito sila.’

‘Paano ang mga ma-e-erap kung ang mga opisyal sa LTO ay parang bingi sa kautusan ng SC?’

‘Ano ang dapat gawin ?’

‘Siguro dapat silang sibakin?’

ANO

BANGON TRANSPORT

BAYAN MUNA

DAHIL

KAYA

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with