^

PSN Opinyon

Ebidensya ni Buan ipakita

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Pagkakataon na ni Ernest Domingo Buan, kandidato sa pagka-mayor sa siyudad ng Mandaluyong, na magpakita ng ebidensiya na na-frame -up lang talaga siya. Itong si Buan kasi, mga suki, ay naghain ng not guilty plea sa sala ni Judge Abraham Borreta ng Pasig City RTC Branch 154 sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng limang plastic sachet ng cocaine. Nagsampa rin ng motion to post bail itong si Buan para makapagkampanya siya. Malakas ang paniwala ng kampo ni Buan na mahina ang ebidensiya laban sa kanya kaya naghain siya ng motion to post bail. Inutusan naman ni Burreta ang prosecution na magpakita ng sapat na ebidensiya para tuluyan niyang iutos na manatili si Buan sa kulungan. Noong Huwebes nag-prisinta na ang prosecution ng testigo. Mukhang walang gana itong si Borreta noon dahil nag-komentaryo pa siya na inaantok siya sa kasalukuyang court proceedings. May ilang hearing pa bago magpalabas ng desisyon itong si Borreta kung papayagan niyang makapag-bail itong si Buan o hindi. He,he,he! ‘Wag kayong kumurap mga suki ha! Ayon sa mga kausap ko, ipinamalita ng kampo ni Buan sa Mandaluyong na na-frame-up lang siya. Kapag me sapat silang ebidensiya sa sala ni Borreta nila dapat ipakita ito at hindi sa publiko ibando, di ba mga suki?. Madali lang kasing sabihin na frame-up subalit kapag sa korte na, hindi puwedeng patulan ang panay satsat lang at dapat may sapat na katibayan. Kaya inaantabayan ng taga-Mandaluyong kung anong merong katibayan itong kampo ni Buan para susugan ang depensa nilang frame-up. He, he, he! Magkaalam-alaman din sa darating na mga araw kung sino ang nagsasabi ng totoo, di ba mga suki? Kapag sinabi kasing frame-up mga suki, ibig sabihin nito, walang sapat na batayan ang PDEA natin para arestuhin itong si Buan. Maglalabas din ng kanilang ebidensiya itong mga tauhan ni PDEA chairman Dionisio Santiago para wasakin ang alegasyon ng kampo ni Buan na frame-up. Sa tingin ng mga kausap ko, hindi na papayag itong PDEA na maulit ang alingasngas tungkol sa Alabang Boys kung saan nalagay sila sa alanganin. Malakas kasi ang paniwala ng pamilya ni Buan na ang karibal nila sa pulitika ang nasa likod ng pagkahuli ng kandidato nila. Subalit, ayon sa mga kausap ko, nagkataon lang na panahon ng election nang madampot si Buan. Buwenas pa rin siya nang konti? Pag nagkataon kasi, wala siyang depensa tiyak! Sinabi naman ng mga kausap ko na hindi na makakabawi pa itong si Buan sa larangan ng pulitika. Kahit makapag-bail pa siya, aba, kakapusin siya tiyak ng panahon para maglibot sa Mandaluyong at magpaliwanag sa sinapit  niya. Hindi naman kasi basta-basta makalimot ang mga botante ng Mandaluyong ‘no? At higit sa lahat, baguhan lang sa pulitika itong si Buan at ano ang maipagmalaki niya? ‘Yong tiyuhin niya nga na batikan na sa larangan ng pulitika ay di nagtagumpay, siya pa kayang yagit lang at nasangkot pa sa droga? Kung sabagay, ‘wag munang isipin ni Buan ang pulitika. Ang unang intindihin niya ay kung paano siya makalabas ng kulungan para makamayan ang mga botante niya at hindi yaong panay rehas na bakal ang hinihimas niya. Abangan!

vuukle comment

ALABANG BOYS

BORRETA

BUAN

DIONISIO SANTIAGO

ITONG

JUDGE ABRAHAM BORRETA

MANDALUYONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with