Bakit hindi mapahinto ang kandidatura ni Villar?
Mukhang nagkakabastusan na naman ang mga kandidato sa pagka-pangulo lalo na ang dalawang nangunguna sa mga presidentiables. Hindi ko akalain na ma-ging katulad sila ng mga nakaraang kandidato na batu-han talaga sila ng putik. Ngayon, maliwanag na mas malaking halaga ng pera ang ginagastos ng mga kandidato. Ayon sa balitang natanggap namin, mahigit nang isang bilyong piso ang nilalaspag ni Sen. Manny Villar sa kanyang pangangampanya.
Malayo sa mga sumusunod sina Sen. Noynoy Aquino at iba pang mga kalabang kandidato. Malaki-laki pa rin ang gagastusin dahil sa ilang buwan pa rin ang tatakbuhin ng pangangampanya at nasa huli nito ang talagang pagbuhos ng pera. Balita namin ay handa si Villar sa anumang pangangailangang salapi sa ikapapanalo ng kanyang kandidatura. Talaga nga yatang desidido na ang kampo ni Villar na tapusin ang kandidatura niya at bale-walain ang anumang pagpigil dito.
Ganito nga ang napapansin ng mga Pil-Ams sa nakikita niyang nangyayaring kampanyahan ngayon sa Pilipinas. Mukhang walang gumagalaw sa Senado na buhayin o manawagang muli upang buksan ang kontrobersiyal na kaso ng C-5 Road na ibinabato kay Villar. Akala ng marami ay tapos nang matutuldukan na ang kaso ng korapsiyong nasabi laban kay Villar nung isang buwan matapos nang magsalita sa isang privilege speech si Villar na hindi man lamang nito binigyan ng pagkaka-taon ang kanyang mga kasamahan sa Senado na magsalita. Mula nuon, wala nang nadinig man lamang kanino man sa mga senador tungkol sa kaso ni Villar.
May pakiramdam ako na mukhang wala na namang mangyayari sa kasong ito laban kay Villar na katulad ng mga kasong matagal nang nakabinbin at inaamag sa Senado. Palapit na ng palapit ang eleksyon ng 2010, Maya-maya pa ay magkakalimutan na ang lahat at tapos na ang halalan. Malay natin, baka si Villar pa ang manalo sa eleksyon. Ano na naman kaya ang manyayari sa katarungan sa Pilipinas kung sakali mang ganito ang mangyari? Huwag naman sana.
May balita ako na maraming Pil-Ams at ng kani-kanilang mga sapiang organisasyon na atakihin ang nangyayaring katahimikan sa kaso ng korapsiyon na kinakaharap ni Villar na mismong kanyang mga kasama-han sa Senado ang nagharap laban sa kanya. Sinabi nilang mayroon silang mga ebiden- siya at mga witnesses laban kay Sen. Manny Villar. Bakit wala pa ring nangyayari sa kasongito na pipigil sa kandidatura ni Villar? Malaking kalokohan kung walang mangyayari dito!
- Latest
- Trending