^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dakpin si Adam!

-

NAKATAKAS ang isa sa mga suspect sa pagpatay sa 57 katao noong nakaraang taon. Na­kakulong sa Sultan Kudarat provincial jail si dating Maguin­danao police director Supt. Piang Adam nang ma­ganap ang pagtakas. Naganap uma­no ang pagtakas ni Adam noong Martes subalit nadiskubre lamang ang kanyang pagtakas noong Huwebes.

Ayon sa report, alas-kuwatro ng hapon noong Martes ay nakita pa si Adam na pumasok sa kan-yang selda pero inireport lamang ng jailguard na si Tahak Kadalum ang pagkawala ng suspek noong Huwebes ng uma­ga. Kasama si Adam sa mga kinasuhan sa pagpatay sa 57 katao noong Nob­yembre 23, 2009 sa Maguin­danao. Tatlumpo sa mga pinatay ay miyembro ng media. Pangunahing sus-pek sa pagpatay si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan na ngayon ay nakakulong sa National Bureau of Investigation.

Sa pagkakatakas ng suspek, malinaw na may kutsabahang nangyari. Siyempre pa ang mga jail­guard ay sangkot dito. Sino pa ba naman ang kukut­sabahin ng isang gustong tumakas kundi ang guwardiya mismo. Maaring natapalan ng pera ang guwardiya. Kaya pinakamabuting palitan ang mga jailguard sa Sultan Kudarat. Kaysa naman makata­kas pa ang iba pang suspek ay gawin na ang nara­rapat. Kasabay sa pagpapalit ng mga jailguard, ay tugisin si Adam. Huwag hayaang ma­kalayo. Kaila­ngang maibalik siya sa bilangguan para malitis. 

Ang kanyang pagtakas ay malinaw na pala­tandaan na mayroon siyang kasalanan. Hindi siya tatakas kung walang nalalaman sa pinakama­dugong pag­patay sa kasaysayan. Wa­lang awang pinagbabaril ang mga biktima, gina­hasa ang mga babae at saka inilibing sa hukay.

Hanapin si Adam at ibalik sa piitan. Mas ma-ganda kung hindi na siya sa Sultan Kudarat iku-long kundi dito sa Manila na katulad ni Andal Ampatuan. Kung dito siya ikukulong, mahihirapan na siyang makapuga. Nararapat din namang papanagutin ang jailguard na responsible sa pag­kakatakas ni Adam. Bulukin sa kulungan ang guwardiya para hindi pamarisan.

vuukle comment

ADAM

ANDAL AMPATUAN

DATU UNSAY

HUWEBES

MAGUIN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PIANG ADAM

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with