^

PSN Opinyon

Alamin ang iyong blood pressure

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MARAMI ang hindi nakaiintindi kung ano ang ibig sabihin ng “Presyon ng Dugo” o “Blood Pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pag­daloy ng dugo sa mga ugat habang nagbobomba ang puso. Ma­halaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdadala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.

Ito ay sinusukat at sinasaad sa dalawang numero:    Ang systolic at ang diastolic na presyon. Halimbawa, kapag sinabi ng doktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.

Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbo­bomba ng dugo ang puso. Ang normal na systolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.

Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg.

Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:

1. Gawain o pagtatrabaho.

2. Pag-iiba o pagpapalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.

3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.

Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?

Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa    normal, at ito ay nanana-   tiling mataas, ito ay tina­tawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay na­nganga­hu­lu­gan ng alta­presyon! Alam n’yo ba       na sa isang pang­karani-    wang barangay, tina­tayang mayroong isa sa apat na katao ang may altapresyon!

Ang mga pangkara­ni­wang sintomas ng alta­presyon ay ang (1) sakit ng ulo sa bandang batok, (2) pagkahilo, (3) mabilis na tibok ng puso na halos ku­makabog ang dibdib, at     (4) paninikip o pagkirot ng dibdib.

Hindi lahat ng taong     may-high blood ay may   sin­tomas. Karamihan nga ay walang nararamda- man. Ngunit delikado pa    rin ito. Kung mataas ang inyong BP, kumonsulta agad sa inyong duktor o health center.

Heto ang pinakabagong klasipikasyon ng  Blood Pressure sa taong edad 18 pataas:

Systolic         Diastolic

Pinakamainam          < 120         at                   < 80

Mataas sa normal     120-139     o                  80-89

Altapresyon:           

Baitang 1       140-159     o     90-99

Baitang 2         ≥ 160       o      ≥ 100

ALAM

ALTAPRESYON

BAITANG

BLOOD PRESSURE

DUGO

HALIMBAWA

HETO

PRESYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with