'Barumbadong konduktor'
MANILA, Philippines - ISANG call center agent ang mangiyak-ngiyak na luma-pit sa BITAG, ang kanyang pakay, reklamo laban sa isang pampasaherong bus.
Hindi siya nasagasaan o nabangga ng nasabing bus. Ni hindi siya nalaglag dahil sa harabas na pagmamaneho nito, binugbog siya ng konduktor ng bus na sinakyan niya noong umaga na iyon.
Ang pinag-ugatan, tiket ng pasahe. Mula sa kanyang trabaho sa isang call center, pauwi na sana ang biktima.
Dahil puyat sa nakaraang magdamagang trabaho, nakatulog siya sa sinakyang bus pauwi. Subalit bago raw niya maipikit ang kaniyang mga mata, nagawa niyang magbayad ng pasahe.
Ipinakita pa nito sa BITAG ang tiket na inilagay niya sa kanyang bulsa. Ayon sa biktima, nagulat siya nang biglang gisingin ng galit na galit na kundoktor dahil hindi pa raw siya nagbabayad.
Hindi raw siya pinaniwalaan ng kundoktor at ginatungan pa ito ng drayber at pilit siyang pinabababa sa bus.
Sa pinaghalong gulat at pagkapahiya ng pasahero, nataasan nito ng boses ang kunduktor at sinabing hindi ito dapat naging kunduktor kung hindi ito marunong tumanda ng mukha ng mga nagbabayad.
Sa puntong ito, hindi na raw kumibo ang konduktor at drayber ng nasabing bus, inakala ng pasahero na nagkaintindihan na sila.
Subalit nang pababa na raw siya ng bus, tinadyakan daw siya sa likod ng nakasagutang konduktor.
Hindi pa ito nakuntento, nang masubsob siya sa daanan dahil sa tadyak, may kasunod pa itong suntok at hambalos mula sa kunduktor.
Kaya naman noong umaga ding iyon, dumiretso ito sa BITAG nang putok pa ang noo at nguso nito.
Sa tulong ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), mismong si Chairman Alberto Suansing ang bumuo ng task force upang abangan at harangin habang nasa biyahe ang inirereklamong bus.
Matagumpay itong naisa gawa ng LTFRB kung saan nai-impound noong araw na iyon ang bus at nadala sa kanilang tanggapan ang drayber at ba-rumbadong kunduktor nito.
BITAG naman ang nagulat nang makaharap ang barumbadong konduktor dahil sa liit ng katawan at amo ng mukha nito, hindi mo aakalaing may pagkabarumbado at traydor ito upang tadyakan ng naka- talikod at bugbugin ang pasahero.
Magsilbing babala ito sa iba pang drayber at konduktor na mainitin ang ulo, wala kayong karapatang saktan ang inyong mga pasahero.
Kung sakaling magkaro- on man ng ganitong argu- mento sa loob ng sinasakyang bus, makabubuting kunin ang atensiyon ng mga pulis at enforcers na nakatalaga sa lansangan upang hindi na humantong pa sa sakitan.
- Latest
- Trending