BIR North Quezon City
ANG pangalan ni House Speaker Prospero Nograles, na kandidatong Mayor ngayon sa Davao City versus anak na bebot ni Davao City Mayor Rudy Duterte ang ginagasgas at pinagyayabang para makapangikil ang mga bugok dito?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may grupong bugok na sinasabing ‘Davao Mafia’ ang gumagawa ng kagaguhan at walang habas na nangingikil gamit daw ang pangalan ni Boy ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang miembro ng Mafia sa Philippines my Philippines na gumagawa ng malaliman operasyon partikular ang ‘kikilan blues’ dahil ang grupo ng mga kamoteng ito ay nakabase sa Italy at US of A kaya ang kanilang kagaguhan ay doon lang sa nasabing lugar nangyayari.
Ginagamit daw ng mafia ang pangalan ni Nograles ng ilang kamote sa BIR North Quezon City dahil ito daw ang padrino ng mga bugok todits.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Gil Bugaoisan, ang super galing na PR ni House Speaker Nograles yesterday afternoon sa House of the People, itinanggi nito na may kinalaman si Boy sa mga pinaggagawa ng mga kamote dyan sa lugar na ikinukuento ko.
Sabi ni Bugaoisan, hindi ito ito-tolerate ni Speaker at kapag nalaman niya ito baka pagbabatukan sila sa kanilang katarantaduhan.
Ayon kay Gil, bakit matatakot ang mga opisyal ng BIR kay Speaker samantala tapos na ang termino nito bilang bossing ng House of the People.
Sabi ni Gil, kung talagang may gumagamit ng pangalan ng boss niya na mga bugok sa BIR dapat silang ipaaresto at ipakulong.
Ika nga, maghimas ng rehas!
Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng personal si Speaker kaya oras na makarating sa kanyang kaalaman ang mga nangyayaring katarantaduhan sa BIR North Quezon City tiyak luluhod kayo na parang mga lagapot. Hehehe!
Sangkaterbang kayabangan sa katawan ang sinasabing ‘Davao Mafia” kaya naman pati mga kabaro nila sa Metro - Manila ay buwisit sa kanila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi daw makakilos ang mga bossing sa BIR Central Office dahil takot silang galawin ang pina-padrino ni Boy sa BIR North Quezon City kaya kahit na anong gawin katarantaduhan ng mga gagong ito ay walang kibo ang mga amo-yong. Hehehe!
Totoo kaya ito Secretary of Finance Gary Teves, Your Honor?
Kung walang magawa ang mga amo - yong ng mga bugok sa BIR North Quezon City dapat sigurong sila ang unang sibakin dahil sa ‘COMMAND RESPONSIBILITY’. Anong say mo, BIR Commissioner Joel Tan Torres, sir?
Naalala tuloy ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nakabaon issue regarding SICPA, ang multi - billion contract na pinasok ng government of the Republic of the Philippines my Philippines.
Kamusta na ba ito Commissioner Tan Torres, Your Honor?
Tuloy pa ba o scrap na?
Bubulutlatin ulit ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang SICPA deal sa susunod na mga araw.
Ang nasabing deal na ito ang dahilan daw kung bakit nagbitiw bilang BIR Commissioner si Atty. Sixto Esquivias 111 dahil hindi daw malunok ng una ang gustong ipagawa ng gobierno sa kanya.
Balik issue, madaling malaman ang mga bugok sa BIR North Quezon City sa mga gamit nilang tsikot.
Bukayo na sila!
Mahirap ipaliwanag sa madlang taxpayer ang mamahaling wheels nilang gamit kung sueldo lamang nila ang pagbabasihan.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ma-lifestyle check ang mga kamote sa BIR North Quezon City para huwag mabusisi ang mga itinatago nilang ill-gotten wealth kung mayroon man.
Paging the Office of the Chief Ombudsman, pakikalkal nga sila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana kung magpapabusisi ang Ombudsman hindi iyong mga kamote sa kanila ang mag-investigate kasi alaws rin mangyayari may mga gago rin kasing mga kadikit ang mga tekamots sa BIR North Quezon City.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa ngayon ay may limang taga - Ombudsman ang kandidato bilang deputy Ombudsman for Luzon siguro ang mga ito ang dapat kumalkal ng malaliman kikilan sa mga taxpayer sa mga bugok dyan sa BIR North Quezon City para malaman nila kung hanggang saan ang lalim ng operasyon ng mga kamote todits.
Hintayin!
Baby buking, dehins taga-Caloocan
KUNG nagkataon sangkaterbang residente ng Caloocan City ang ‘crying in the rain’ kapag nanalong yorme sa kanilang place si Baby Asistio.
Bakit?
Hindi daw kasi residente ng Caloocan City ang dating Congressman ayon sa impormasyon nakalap ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Dapat magpasalamat ang madlang public kay Mayor Recom Echiverri at nabuko nito habang maaga na sa temakats pala nakatirik ang haybol ni Baby at dehins sa place na gusto nitong maging mayor.
Gustong - gusto kasi ni Baby na makabalik sila sa Caloocan bilang Mayor kaso may mga problema na hindi nila naisip at si Recom lang ang naging kulas este mali nakatuklas pala.
Maganda sana ang bakbakan sa Caloocan City sa Mayo pero sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, as of now ay alaws pang pinanganganak na ka-kamote kay Recom sa politics todits.
- Latest
- Trending