Mitra disqualified dahil kay Mayor Hagedorn?
MAGALING na Mayor si Edward Hagedorn ng Puerto Princesa City. It was under his watch na naging highly urbanized ang lungsod na ngayo’y nakapagsasarili na at hiwalay sa Palawan.
Pero sino ang mag-aakala na ito pala ang aberya sa pangarap ng isang tao na maging gobernador ng Palawan? Ang tinutukoy ko ay si Cong. Abraham Kahlil B.Mitra na nasilat ang ambisyong maging gobernador ng Palawan. Ang rason, diniskuwalipika siya ng Commission on Elections. Napatunayan na hindi totoo ang inilagay niyang residential address nang maghain ng certificate of candidacy sa Comelec. Hangga ngayon kasi ay nakatira siya sa Sta. Monica sa Puerto Princesa na hindi na sakop ng Palawan.
Bumili si Mitra ng lupain sa bayan ng Aborlan para ma-justify ang pagtakbo sa Palawan. Nakatunog ang mga petitioners na sina Antonio Gonzales at Orlando Barbon Jr. Siniyasat nilang maigi kung totoong sa Aborlan nakatira si Mitra at ganito ang kinalabasan: Nag-apply si Mitra ng transfer of voter’s registration mula sa Puerto Princesa tungo sa bayan ng Aborlan noong Marso 20, 2009;
Noong June 5, 2009, bumili siya ng malawak na lupain at nag-apply ng permit para magpagawa ng bahay; Kasunod nito’y pinalitaw niya na doon na siya nakatira para ma-establish ang kanyang residency; Pero lumalabas na hindi niya natirhan ang nasabing address dahil hindi natapos ang construction hanggang sa ngayon. Mga trabahador lang pala ang pinatira doon. Nang inspeksyunin ang bahay, ni walang comfort room kaya mala-bong nakatira na doon ang Kongresista;
Ang pinakamatindi sa lahat ay ang affidavit mismo ng long time bodyguard ng kanilang pamilya na si Ni-canor Hernandez na nagsabi na hindi naman sa Aborlan kundi sa Sta. Monica, Puerto Princesa pa rin nakatira si Mitra.
Dahilan sa mga matitinding ebidensyang ito ay walang magawa ang Comelec kundi ibasura ang candidacy ni Mitra. Sayang!
- Latest
- Trending