^

PSN Opinyon

Pagbabago sa District 1 ng QC, hangad ni Vivienne

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG hindi nagkamali ang mga taga District 1 ng Quezon City kay Vivienne Tan para kumatawan sa kanila sa Kongreso. Nais kasi ng mga taga District 1 na mabago naman ang takbo ng kanilang pamumuhay at ang kasagutan nga ay si Tan. Kung sabagay tama sila dahil likas na matulungin sa mga mahihirap si Tan bukod sa angking kasipagan pagdating sa trabaho.

Bukod pala sa tambalan nina Herbert “Bistik” Bautista at Joy Belmonte na maaasahan sa lahat ng oras magkakaroon pa sila ng karagdagang kakampi para mapaunlad ang kanilang lugar. Subok na kasi ng ilang mamamayan ang kabutihang loob ni Tan na noong humupa ang bagyong Ondoy, hindi nagpatumpik-tumpik si Tan sa pagtulong sa mga sinalanta sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan. Hindi naging hadlang kay Tan ang antas niya sa buhay matapos na lumusong sa marumi’t mabahong tubig-baha upang iabot ang tulong sa mga biktima. Hindi rin naging hadlang ang pagod at puyat para marating ni Tan ang Tarlac at Cordillera para ma­mudmod ng relief goods. Ganyan ka seryoso si Tan sa paglingap sa mga nanganga­ilangan na nararapat sa District 1. Kaya’t hindi kataka-taka na mula sa iba’t ibang sektor, samahan at organisasyon sa Distrito 1 ng Quezon City ang nagpahayag ng   suporta para kay Tan laban sa kasaluku­yang congressman na si Vincent “Bingbong” Crisologo.

Kasabay nito  sa inaning tagumpay ni Tan sa pagde­pensa sa inihaing petisyon ni Crisologo sa Comelec upang idisku­walipika ang kandidatura at maging sa Regional Trial Court sa pagkuwestiyon sa kanyang citizenship at kawalang kara­pa­tang bumoto bilang mamamayang Pilipino. Itinuring ni Tan na isang malaking tagumpay ito laban sa kanyang ka­­tung­­gali na may dalawang termino na sa pagka­kongresista.

Isinisigaw ng supporters ni Tan ang pagbabago sa kanilang lugar partikular na sa larangan ng edukasyon, paninirahan, pangkabuhayan, panlipunang serbisyo, pakikilahok ng mga maraming mamamayan. Kabilang sa iba’t ibang   samahan, orga­nisasyon, sektor sa District 1 na sumusuporta kay Tan ay ang Alyansa ng Maralita na mayroong inisyal na miyem­bro na 78 sa local na samahan galing sa iba’t ibang barangay; Metro Manila Vendors Alliance na may 500 miyembro; Pagka­kaisa ng manggagawa sa Transportasyon (TODA), jeepney drivers at pedicab drivers; Womens Sector na may 1,000 miyembro; Vendors Forum ng D1, isang bagong organisado, board formations galing sa iba’t ibang barangay; Youth Sector ng D1 galing sa iba’t ibang barangay; Gays and Lesbian Group ng D1; Business Sectors ng D1; Uring Manggagawa gaya ng Bukluran ng Manggagawa Pilipino at Super Federation; Sanlakas National, Professionals; Friends of Vivienne at Tita Flor; Kilusan para sa Pagbabago sa Distrito Uno.

Isinisigaw ng supporters ni Tan ang pagbabago sa pama­malakad sa kanilang distrito. Nagsasawa na anila ang mga taga-District 1 sa loob ng anim na taong panunungkulan ni Cri­so­logo dahil sa kawalang pagbabago at halos pangga­gasta lamang ng pondo. Si Tan mula sa pribadong sektor at tumatak­bong independent ay inaaming kahit natatakot siya kay Crisologo ay ipinagmamalaking mananaig ang ka­gus­­tuhan ng taga-District 1 para sa pagbabago ng kanilang buhay.

Mula sa pribadong sektor si Tan na anak ng negos­yan­teng si Lucio Tan subalit ang puso at adhikain nitong  makatu­long at magka­­roon ng pagbabago sa kanilang lugar ay lakas-loob nitong haharapin lalo na’t suportado ng mga residente ng unang distrito ng QC.

CRISOLOGO

DISTRITO UNO

ISINISIGAW

METRO MANILA

QUEZON CITY

SHY

TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with