^

PSN Opinyon

Gising LTO!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

DAPAT maiparating kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang malaking problema sa Land Transportation Office sa lalong madaling panahon porke naggagalaiti na ang madlang people sa ahensiyang ito sa daming mga hokus-pokus na pinaggagawa ang mga bugok todits.

Halos alaws ng supply ng mga documents sa LTO as of today kaya naman kumot este mali kamot pala ng kamote sa ulo ang mga vehicle owner regarding this matter.

Halimbawa ang mga nagpaparehistro ng sasakyan na may ending 1 sa kanilang mga plate number para sa buwan ng January at ending 2 para naman sa buwan ng  February ay hirap na hirap sa pagrerehistro kasi nga naubusan pala ng documented forms ang ahensiya bakit hinti aksyunan agad?

Mga official receipt at certificate of payment and the 2010 sticker ay mahirap makuba este mali kuha pala.

Kaya naman asar as in asar ang mga vehicle owner dahil hindi agad nila mauuwi ang important documents na kanilang binayaran sa ahensiya kasi daw ilang days pa daw ang bibilangan para makakuha ng kanilang kailangan.

Naku ha!

Totoo kaya ito o paninirang puri lang?

Hindi lang ito ang problema kahit na daw sa smoke test ay problema din umano kasi nga ang papel na ginagamit sa smoke emission test from LTO ay kulang din?

Hay, buhay kamote!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 6 to 7 million daw ang vehicle sa Philippines my Philippines at sa National Capital Region lamang ay may 2.3 million. Tama ba, LTO bossing Art Lomibao, Your Honor?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  may 25,000 documents lamang mayroon sa LTO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahihimasmasan ang asar ng mga vehicle owner kasi magiging maayos na daw ang botak ng kanilang tanggapan as of Feb.8 dahil hindi na magkakaroon ng problema sa mga documents kaso nagkahetot - hetot ang pangakong napako dahil may memo na ipinalabas ang bossing sa kanyang mga alipores na huwag munang gumalaw o hulihin ang mga saksakan este mali sasakyan pala may plate number ending 1 and 2 dahil alaws pang sticker.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakaproblema pala ang dating bidder at nanalong bidder sa National Printing Office na gumagawa ng mga documented forms ng LTO kaya hayun kahit sa hindi pumasang printing company nagpagawa daw ang LTO ng mga documented forms na hindi aprubado ng NPO?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagreklamo daw ang NPO versus LTO sa Office of the solicitation este mali Solicitor General kung anuman ang nangyari iyan ang hindi pa natin alam.

Ang problema ngayon aasa pa ba naman ang LTO sa NPO dahil very busy ang huli sa printing of the ballots for the coming election?

Mukhang hindi yata nila napagalaman na bubugso ang mga magpaparehistro at license renewals ngayon 2010? Kung pinagisipan agad nila ito ng mabuti sana hindi sila nagkukumahog ngayon.

Sabi nga, documented form!

Kaya pati ang receipt sa payment ng Radio Frenquency Identification Device fee ay problema pa. Hehehe!

Ang story regarding RFID.

Hintayin.

BIR Director Django Montemayor

GRABE pala ang padrino ng isang bugok na official dyan sa BIR North Quezon City kaya pala hindi siya magalaw sa kanyang kinauupuan.

Iniupo pala ang kamoteng official sa BIR North Quezon City para sa preparation sa halalan 2010 ng isang mataas na pubic este mali public official from Davao.

Kaya naman puro kaperahan ang takbo ng bugok na ito sa kanyang kaharian dahil siya ang supply sa pitsa ng kandidatong kamote.

Naku ha!

Walang hindi nakakakilala sa bugok na taga - BIR North Quezon City dahil siya ang pinaka-kurap dito.

Ang hindi maintindihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang tali ang kamay ni Django para supilin ang gagong kamote?

Naku ha!

Totoo kaya?

Abangan.

vuukle comment

AYON

KAYA

LTO

NAKU

NORTH QUEZON CITY

PALA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with