^

PSN Opinyon

'Ang boarder kung Diyablo'

- Tony Calvento -

Makaraan ang halos isang dekada, nababawasan ba ang hapdi ng sugat na mawalan ng isang mahal sa buhay na naging biktima ng karahasan?

Walong taon ng inaanay ang ‘case folder’ ng ‘complainant’ na lumapit sa aming tanggapan sa opisina ng taga-usig ng mahuli ang taong pumatay sa kanyang kapatid.

 Siya Rowena Pawaan ang palayaw niya’y “Weng”, 40 taong gulang ng Tondo, Manila. 

Panganay si Weng sa limang anak nila Camila at Jose Caranto. Maagang naulila si Rowena sa ama ng mamatay ito sa sakit. Nasa elementarya palang si Weng ng nangibang bansa na ang kanyang ina para magtrabaho bilang isang ‘domestic helper’.

Sa pagsusumikap ni Camila sa ibang bansa, nakapagpundar siya ng isang bahay. Pinagparte-parte niya ang mga kwarto ng bahay sa kanyang apat na anak. Ang ibang kwarto naman ay pinaupa nila Weng sa iba pa nilang kamag-anak.

Ang bahay na ito na minsa’y isang masaya at maaliwalas na lugar ay mag–iiba at magdidilim ang buong kapaligiran sa pagpasok ng isang diyablo sa kanilang bakuran. Ang diyablong ito ay si Romeo Edgar mas kilala sa tawag na “Romy”, asawa ng kanilang pinsan na si Erly.

 “Nakiusap sa amin ang pinsan kong si Erly na magrerenta sa kwarto, may bakante pa naman sa bahay kaya pumayag naman ako,” sabi ni Weng.

Hulyo 7, 2001 habang nasa ‘Divisoria’ si Weng kasama ang mga kapatid na sina Romel, Roman at Rodora para bumili ng panindang gulay sumiklab ang gulo sa kanilang bahay. Ito ay sa pagitan nila Rodel at Romy.

Bandang alas siyete ng gabi, bigla nalang umanong nagwala si Romy. Lasing na lasing umano ito, hinamon niya ang kapatid ni Weng na si Rodelio alyas “Rodel” na dati na umano niyang nakaalitan.           

Nagsisigaw si Romy habang natutulog si Rodel. Pilit niyang pinapalabas si Rodel sa kwarto, “Hoy! Lumabas ka diyan Rodel, P*^%^& i#@ 0&!” hamon umano ni Romy.

Nagising si Rodel sa ingay ni Romy. Kwento ng testigong si Corazon Bustarde, kapit bahay ng biktima na nakatayo sa pinto ng bahay nila Rodel ng mangyari ang krimen. Base sa sinumpaang salaysay na ibinigay niya sa mga imbestigador sumugod si Romy palapit sa kwarto ni Rodel dala ang isang ‘kitchen knife’.

Sinubukan umanong pigilan lumabas ni Erly ang asawa subalit nakahulagpos si Romy at dumiretso papunta kay Rodel.

Nagulat nalang itong si Rodel ng makita si Romy palapit sa kanya. Sinuntok ni Romy sa mukha ang pupusak-pusak na si Rodel at inundayan ng saksak. Tinamaan ito sa dibdib.

Akmang sasaksakin siya ulit subalit tumakbo si Rodel palabas. Itong si Romy hinabol hanggang labasan si Rodel.

Nakita niyang nakabulagta si Rodel, napansin niyang wala na itong malay at sa palagay niya… patay na ito kaya’t mabilis siyang tumakas.

“Nadatnan ko nalang ang kapatid ko sa tindahan… nakadapa. Bumubulwak ang dugo sa kanyang dibdib,” salaysay ni Weng.

Mabilis na tinakbo sa Ospital ng Tondo si Rodel subalit siya’y dineklarang ‘dead on arrival’.

Nagreklamo si Weng sa Pulis at sinampahan ng kasong ‘Murder’ si Romy. Hindi sinipot ni Romy ang ‘preliminary investigation’ muli siyang nagtago kaya’t nailabas ang ‘warrant of arrest’ para sa kanya.

Sa isang resolusyon na sinulat ni Prosec. Rector Macapagal pinagbasehan nito na may dati ng alitan itong si Romy at Rodel. Alam naman ni Rodel na nung siya’y lumabas naghahamon na ng away itong si Romy. Dahil sa mga elementong ito maliwanag na hindi murder ang maaring isampang kaso labang kay Rody kundi ‘Homicide’ para sa salang pagpatay.

Walong taon na patuloy na nagtago itong si Romy. Nung Disyembre 2009 akala nitong suspek malamig na ang kaso at wala ng naghahanap sa kanya lumutang ito at sumama sa kanyang asawa na nagtitinda ng gulay sa palengke ng Baclaran.

May nakapagtimbre kay Weng na nandun nga ang pumatay sa kanyang kapatid, ibinato naman ni Weng ang impormasyon sa mga pulis sa lugar na yun. Kasama ang kopya ng warrant of arrest dinakip si Romy. Tapus na ang maliligayang araw niya sa laya oras na para harapin niya ang kasalanang kanyang nagawa. 

Nagpadala ng emisaryo   itong si Romy na humihingi ng areglo, nag-alok siya ng Php30,000 para iurong ang kaso. Mabilis naman umano itong tinanggihan ni Camila.

“Walong taon kaming nag-antay para makamit ang hustisya para sa aking kapatid ngayon pa kami magpapaareglo? Sa kanya nalang ang trenta mil niya, sa amin ang katarungan para sa kapatid naming pinatay niya,” sabi ni Weng.

Sa ngayon nakapagpiyansa na si Rodel sa halagang  Php10,000 matapos makapag ‘motion to reduce bail’. Handang handa na rin ang pamilya ni Rodel sa isang paglilitis para makamit ang hustisya na walong taong naantala.

Inere namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00ng hapon) ang istorya ni Weng.

Para sa amin dito sa Calvento Files, buhay ang inutang nitong si Romy hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking halaga ang sakit na mawalan ng isang mahal sa buhay higit pa sa isang taong tinuring nilang na miyembro na ng kanilang pamilya at pinapasok sa kanilang sariling tahanan. Kahit naging mabagal ang pag-ikot ng gulong ng hustisya sa kaso ni Rodel masaya naman sila Weng na hindi na rin magtatagal mapapatunayan sa Korte na nagkasala si Romy at masisintensyahang makulong ng mahabang panahon.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang land line ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

Email: [email protected]

CAMILA

ISANG

LSQUO

PARA

RODEL

ROMY

WENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with